SABADO DE GLORIA! Hindi Dapat Ganito Ang Nangyari!
Hindi dapat ganito ang nangyari!
Ang masayang pagdiriwang nagtapos sa dalamhati
Ang pamilyang dating buong-buo ngayon ay hati
Ang alak na nagpaligaya nilunod hanggang masawi!
Hindi dapat ganito ang nangyari!
Binatilyo pa lang wala ng buhay sa talon
Kasama pa ang mga gurong konsentidor
Sa pagsuway sa magulang nauwi sa ataol!
Hindi dapat ganito ang nangyari!
Sa Candon Ilocos Sur, dagat ay nakakahalina
Utak na may tama, alak ang nagpalala
Lumusong sa malalim, bangkay na ng sagipin
At ang pinakamalala ay ang kawawang bata
Kasama ang mga magulang na nagpabaya
Hinayaang sa lalim ng 25 talampakan ang paglubog
O Diyos ko! Hindi dapat ganito ang nangyari.
Kapwa ko Pilipino, ano na ba ang nangyayari
Anong utak mayroon kapag tayo'y nagbabakasyon
Puro pagpapaligaya sa sarili ang naiisip mo,
At nalilimutan ang mga taong minamahal mo.
Nababaliw na ba ang Pilipino?
Sinong matino ang iinom ng alak at magpapakalango
Na matapos tamaan ang sentido ay tuloy-tuloy sa sementeryo
Dahil lumutang na walang buhay ang hibang na lasenggo.
Kapwa Pilipino, umayos na tayo.
Ikaw ay nagta-trabaho para sa mahal mo
Huwang mong ipagpalit sa sandaling manigo
Ang buhay na mawawala dahil sa kapabayaan mo.
(Ang tulang ito isinulat bilang reaksyon sa masamang balita na napanood sa GMA News. Hindi ko po minamarkahan ang Piliipino na nababaliw na, gusto ko lamang pong hamunin tayo na pag-isipang mabuti ang ating mga ginagawa sa panahon ng pagbabakasyon. Panoorin ang balita upang lubos na maunawaan ang tula.)
Maraming salamat po.
Tulungan po ninyong tumaas ang aking Reputation: Follow, Upvote and Resteem (kung inyo lamang pong mamarapatin)