"Word Poetry Challenge #7 : Simbahan"
SIMBAHAN
likha ni @yurean
orihinal na kuha ni @yurean
Ako'y nadapa at hindi na makabangon,
Ako'y nalunod at hindi na makaahon,
Ako'y naghintay sa'yo buong maghapon,
Ngunit hindi kana nag paramdam katulad noon.
Ako'y nagalit at iniwan ka,
Ako'y sumuko at ngayo'y nakatulala,
Ako'y nag rebelde at nag druga,
Habang ikaw walang ginawa.
Ako'y napaisip kung totoo ka nga ba,
Ako'y naguguluhan kung ikaw lang ba ay paniniwala lang sa iba,
Kinalimutan kita at tinalikuran,
Ngunit heto ako ngayon nakatingin sa iyong simbahan.
Ako'y nagalit sa aking ginawa,
Ako'y nagsisi at nakaramdam ng sobrang hiya,
Sinisi kita at tinalikuran bigla,
Ngunit isang araw, naramdaman kita ulit at ako'y kinuha.
Ako'y napaisip na mali pala ako,
Mahal mo talaga ako, diyan ako sigurado,
Hindi mo ako iniwan, ako lang ang naging bulag,
dahil sa problema kong gusto ko ng mabasag.
Nakita ko ang sarili ko sa simbahan,
nakaluhod at sinasambit ang iyong pangalan,
Panginoon ko, akoy patawarin mo,
sapagkat ako ay isang mapanghusga na tao.
Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan,
Papuntahin mo ako palagi sa iyong simbahan,
upang hindi ko makalimutan na andiyan ka sa taas,
humihingi lang sa'kin ng kunting oras,
upang bisitahin ka sa iyong tahanan,
at upang masabi ko sa lahat na hindi mo kami iiwan kailan man.
Maraming salamat po sa bumasa, sana po nagustuhan niyo at may natutunan kayong aral