"Word Poetry Challenge #3". Tema : "Gintong Medalya" | Tagalog Edition ENTRY NUMBER #2 TO JASSEN'S CONTEST.

in #wordchallenge6 years ago

gold-3339526_960_720.jpg

Pixabay


Itinaya ko ang aking buhay masungkit lang ang gintong medalya
Hindi biro maging isang atleta, iniisip muna dapat bago mag-pasya
Sa paghinga nang malalim, sa pag-inat ng mga braso
Sa sobrang pagod naka inom ako ng sampung baso

Gintong pasasalamat, gintong medalya
Minsan ay malungkot, minsa'y masaya
Araw-araw na ensayo dapat hindi pumalya
Pampasuwerte'y 'di nawawala, sa bulsa'y laging may barya

Pagsisikap na dapat bigyan mo ng pansin
Pasasaan din at ikaw ay papalarin
Madaling sabihin subalit mahirap gawin
Tiwala lang kaibigan at maaabot mo rin

Ngayon ay nakamit na ang tamis ng tagumpay
Gintong medalya sa'yo dapat ay ibigay
Sulit na sulit ang pagod sa kanilang pagpugay
Hindi matutumbasan ang mga kaibigan kong tunay


#wordchallenge

Sort:  

Sa anong patimpalak?

Gusto ko manalo sa puso mo.

Mahusay na mahusay bro 2k..!! Bihasa na sa tagalog ,bihasa pa sa english ..ikaw na bro❤

Lol siyempre tagalog salita natin sa pang araw araw. Malalalim na tagalog pa nga sa atin. Hindi na nga ako nagsusulat english haha panay tagalog na lang at saka hindi ako nagagandahan sa mga ginagawa ko hehe.

Pawer! Maganda at nag-aalab na tula po ito ginoong 2k! Mas gusto ko po itong tula kesa dun sa isa na pang retirado 😅 Mas bagay po ata sa inyo itong maaksyon. - Junjun ng #tagalogtrail dahil busy daw po si Toto

Salamat Jun-Jun at ano naman ang pinagkakaabalahan ni Toto? Kumain ng potato chips haha. Mahirap maging atleta hehe kailangan malakas ang resistensiya.

Nandito ako! Nag susulat ako ngayon ng post para sa featured post delayed na naman kami ng isang araw hahahah. Pinapili kasi ako Steemit o si Nene sympre alam na natin ang sagot kaya ako nandito. Nyahahhaha

Hmmmm alam na this. Kaya pala naging abala ka nitong mga nag-daang mga araw. Ang mga magkakakampi sa tagalogserye wala pa haha.

Hahha bukas na ang anunsyo ukol dyan Ginoong two. Grabe spam post na naman pala kami bukas at anunsyo din ng nagwagi sa logo. Woohoo sa wakas makakadaupang palad nyo na si Jun-jun sa discord.

Sige ianunsyo niyo na bukas haha. Ganda ng tema ngayon hmmmmm nanaman. Ayos lang iyan hindi iyan spam pamparami iyang nga mga post niyo para kapag tiningan steemit niyo madami ng posts.