Word Poetry Challenge #16: BAGYO

in #wordchallenge6 years ago

Screenshot_20180916-212021.jpg
photocredit:https://www.9news.com.au/world/2018/09/15/20/25/typhoon-mangkhut-philippines-people-dead

"BAGYO"

Malakas na buhos ng ulan,
Nagdidilim na kalangitan,
Bugso ng hanging amihan,
Heto na nga ang ating kinakatakutan.


Maraming eksperto ang naghuhulaan.
Masamang panaho'y kanilang namataan.
Direksiyon nito'y patungo sa ating bayan.
Kaya't dapat natin itong paghandaan.


Mabilis na pagtakbo ng hangin,
Malakas na paghampas ng alon sa baybayin,
Pagguho ng lupa sa bulubundukin,
Ito'y posibleng ganap at nakakatakot isipin.


Malaking pinsala ang maging dulot sa parating na bagyo.
Kaya't dapat tayong lahat ay laging alerto.
Mahirap man o mayaman; magkaisa tayo,
Dahil ang bagyo ay walang sinasanto.


Sa sunod sunod na pagsubok o dilubyo na ating nakasalamuha,
Huwag nating isiping ito'y isang parusa.
Huwag sana tayong mawalan ng tiwala sa amang may likha.
Buksan natin ang ating mga mata; ito ba'y kanyang gawa o natin na kanyang likha?


              -katapusan ng tula-

Nawa'y magustuhan po ninyo ang aking likha 😄.

Sort:  

Napakasimple pero ang ganda. Good luck @nuvie 👍