Word Poetry Challenge #20: Tulay
Nang tayo'y nagkahiwalay
Masayang ala-ala natin naging kaagapay
Minsan di na namalaya'ng nakahandusay
Sa sahig na pala napalupaypay
Hawak ko man ating mga larawan
Kung saan tayo'y masayang nagkwentuhan
Di parin maitago ang nararamdaman
Ang sakit dulot ng ating napagpasyahan
Sa bawat tibok ng aking puso
Sambit pangalan mo sa bawat bugso
Sa ngayon, ito man ating hinaharap
Sapagkat alam natin, ito'y bukod tanging sa pangarap
Di man naging madali ang lahat
Samo't sari'ng emosyon ang nagkalat
Sapagkat hirap at sakit di maisiwalat
Tanging telepono lang may alam sa lahat
Araw, buwan at taon ang lumisan
Tanging telepono lang ating hinahawakan
Minsan man di magka-intindihan
Naging tulay naman sa ating pag-iibigan
Sa telepono man ang pamamaraan
Nangungusap na puso'y naihatid naman
Wala nga lang mahahawakan
Ngunit kahit kunti ay napunan naman
Naging sapat na ang ganito
Magkita tayo sa isang telepono
May saya't lungkot man ang bawat puso
Sa huli alam natin, ito ay mabubuo