Word Poetry Challenge #18 : Tamang Panahon
TAMANG PANAHON
Minsan sa buhay ako'y nangangarap
Mga mumunting bagay na ninais at pinangarap
Na darating sana sa hinaharap
At matatamasa ang munting pangarap
Hindi kailan man bumitiw sa panalangin
Pikit mata'ng hinihiling, sana'y makakamtan din
Na sa tamang panahon ay darating din
Ang hiling na sa puso ay s'yang nakadiin
Nang ang tamang panahon ay dumating na
Makapunta sa lugar na minimithi din ng iba
Isang lugar na lahat ay puno ng galak at saya
Ang lugar na kahit sino ka pa, basta't pera mo'y kasya
Hindi ko kailan man binitiwan
Sa puso't isip ay ang siyang nilalaman
Kaya ngayon'g akin ng hinahawakan
Puso't isip ko din di sadyang naghihiyawan
Di ko man inaakala
Ngayon ko pala ito matatamasa
Ngiti sa labi koy di parin makapaniwala
Na sa bukas ito'y kasama sa aking ala-ala
Totoo nga'ng kung para sa'yo ang isang bagay
Sa tama'ng panahon ito makikibagay
Hindi mo man alam kailan ito mapasakamay
Pero kung para sa iyo ito'y ibibigay
@mhelrose, I gave you a vote!
If you follow me, I will also follow you in return!
followed you already. thanks
Napakagandang piyesa. Palarin ka sanang manalo @mhelrose.
Kinagagalak ko po Ginoong @jassennesaj at inyong nagustuhan😊
As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!