Word Poetry Challenge #13 : "Pilipinas" | Tagalog Edition

in #wordchallenge6 years ago (edited)




"Pilipinas"

Sagana sa yaman ang aking bayan
Yaman na aking pinagmualan ay di mo mabilang
Mula sa kultura't tradisyon man
Dilag at kisig ng kalalakihan
Nais ko lang kasing ipagmalaki
At gustong kong ipagsabi
Na ang bayan ko'y may magandang lahi
Di ko talaga maikubli
Pamumuhay nang payapa ang hangad namin
Kasama ang mga magagandang tanawin
Mala polbo't maputing buhangin
Sabay langhap sa sariwang hangin
O bayan ko'y Pilipinas
Kahit may unos Sagana parin ang dinaranas
Sadyang napaka espesyal ang
Mga mukhang palaging nakatawa
Kahit sa gitna nang maladelobyong problema
Lakas ng loob at tapang ang tema
Sa pangmundong paligsahan ay bida
Tatak pinoy ay di matatawaran
Di magpapahuli kahit sa kantahan o sayawan
Sa talento mga tao naghihiyawan
Sa galing ng ating Juan
Ikay gawa ng maykapal
Bunga ka aming mga dasal
Handang ibuhis ang buhay tawagin kong hangal
Pilipinas kung minamahal

@brapollo29

src

Sort:  

ang tulang ito ay ang salamin ng mga Pilipino
salamat sa napakagandang mensahe

kung naghahanap po kayo ng matatambayan kasama ang iba pang manunulat sa tagalog, inaanyayahan po namin kayo sa dicord server ng Tropa ni Toto.

https://discord.gg/nqjFEY

Halina at magsulat sa wikang Filipino