#Uloghugot 2 (Ikalawang Linggo ng Patimpalak-by @sunnylife - NG DAHIL SA PAG-IBIG
Magandang umaga mga steemians! Ngayon ko lamang nabasa na may ganito pa lang pacontest na ginawa ni @sunnylife :-) Naennganyo akong sumali kasi minsan ko nang humugot sa asawa ko at alam niyo ba kung ano ang sinabi sakin?? "Yan mga napapala mo sa kakanood ng drama!"..
Whahahaha!! Ang bait ng asawa ko. hehe, hindi ko na papatagalin pa ang hugot ko ngayong araw na ito, para sa ikalawang linggo ng #uloghugot - Ng Dahil Sa Pag-ibig.
Ng Dahil Sa Pag-ibig (Tumayo sa Pagkakadapa)
Salamat! Salamat at nakalimutan kita!
Sa isang iglap lang nawala na parang bula!
Ang hapdi at kirot na aking sinapit;
Sa mga kamay mong napakalupit!
Aanhin ang pag-ibig kung walang respeto;
Isa kang manhid, walang nararamdaman.
Pero wag kang mag-alala, nakamove on na ako,
Sa pag-ibig mo na di makatotohanan!
Alam mo kung bakit natauhan?
Sapagkat dumating ang "the one", puso ko'y sumaya ng tuluyan.
Ng dahil sa pag-ibig, nabulag at nabigo
Ngunit tingnan mo naman, tumayo sa pagkakadapa ng ako sayo'y lumayo.
grabe feeling ko tinatawanan ko yong ex ko hahaha, oopps! di na ako bitter!
Bigla ko lang naala pagiging tanga ko sakanya! But now, I am happy and feel contented :-)
salamat @sunnylife sa contest na ito.
ang photo nga pala is kaming dalawa ng hubby ko. hehe! siya ang "the one".
salamat sis,sweet nama ang kwento
timayo sa pagkakadapa at umayo:)
mabuhay ka at hangad ko ang inyong kaligayanhan.
salamat sa pagbahagi ng iyong #uloghugot.
salamat din sis :-) Godbless you po
The background caught my attention..What local po?
Lokal ng Pag-Asa po :-) Gensan City po :-)
Nice meeting you here kapatid..from Lokal ng Canitoan District of Misamis Oriental pala ako.
nice meeting you too po Kapatid :-)