Naku! Naku! Tumigil ka, Wag kang Anu..
Sa umpisa ayoko talagang mag ulog, kasi wala din naman akong idea kung anu at para saan nga ba ito. Pero sige mag uulog ako ngayun dahil gusto ko din mailabas ang ngitngit ko. Nag ngingitngit ako sa inis, yung tipong unat na unat na ang pasensya ko, konting konti na lang mapuputol na. Nakakapanghina na lang ang maghapon ko, nakakaiyak actually.. Ito ang kaganapan
Nagising ako kaninang umaga sa lakas ng tugtog sa kwarto, uy kanta patungkol sa Diyos, linggo nga naman pala ngayon,so hindi ako nainis. Pababa na ako may putak ng putak sa baba, utos dito utos doon, sigaw dito sigaw doon. Wow ha, para saan ang kanta mo patungkol sa Diyos kung ganyan ang inaasta mo sa umagang kay ganda sana. Ang buong bahay sinasakop ng musikang pang Diyos pero ang buong pagkatao mo sinakop yata ng masamang ispirito.
Cge lang, linggo ngayon kalma lang, hindi ko papatulan. Naisipan ko magluto ng masarap, kumain naman lahat, ito na sya busangot pa din..kakain na yata. Susme ang arte pre, kung ayaw kumain ng niluto ko wag pilitin ang sikmura, sumusubo nga nguyang nasusuka. Fyi lang ha, di ko yan niluto para sayo..pabebe kalaki laking tao, nakakapang-init ng ulo.
Yun oh natapos din sya, salamat naman kasi nakakapikon ang mukha nya habang ngumu nguya eh. Umakyat na ulit sya, matatahimik ang mundo ko sa sala kasama mga bata..Ito na si ako, bukas ng account, nagbrowse ng kung anu-ano lang.
Naglaptop ako at nanuod din ng dramang palabas. At inilabas ko din ang lulutuin para sa hapunan.
Ayay pababa nanaman sya, binalik nya lahat ng nilabas ko at sya ang nagluto. Galing, anu kaya hangin ang nasagap nya, mukhang okay na sya.
Patuloy pa din ang dramang palabas at paglalaptop ko. Sabi nya isarado mo yan, walang kwentang manood at pinagsasabay yan. Masusunod ka boss, sinarado ko nga at nanood na lang ako. Ang ganda na eh, ng biglang sabi nya ilipat mo yan nakakabobo ang pinapanood mo. Hala ka, kala ko pa naman okay na sya. Pinatay ko na lang din sabay akyat kasi nakakapanginig ng laman ang ugali.
Ayay umakyat din sya at nanermon, bakit daw kmi humahagigik ng kapatid ko. Kung magkwentuhan daw magkwentuhan ng matino. Nakakairita daw ang kulitan namin ng kapatid ko para daw kaming bata. Lodi nya ako yata ako, bawat kilos at buka ng bibig ko ninu-note nya. Nanonood nga kami di ba, alangan naman mag ala istatwa lang kami kahit nakakatuwa ang pinapanood namin. Anu yun, nood lang walang expression? OMG ka ha..
Tsaka anung problema natin, inutangan ba kita bakit ba ang angas mo buong maghapon. Sino ka ba? Pogi ka ba? Aba naman, wag ganyan di ka bagay, not cool tsk tsk tsk. Pakiusap manahimik ka na lang, wala naman akong kasalanan sayo, may sapi ka lang wag ka ng mandamay.
Matutulog na lang ako, sana bukas pag gising ko wala ka ng sapi, sana magaling ka na. Andito pa naman tayo sa Mandaluyong, lapit lang tol ang mental, papasundo kita dito. Wag kang anu..nakaanu ka eh..
#pikonsiako
#gigilsiako
#inhaleexhale