Dahil sa Diborsyo, May Dulo

in #tula7 years ago

family-3090056_960_720.jpg
Photo source.

Pinagmamasdan ko ang ngayong matamlay
na kamay ng aking Inay.
Maniyak-ngiyak na ngayon ang kanyang mga matang
dati na man ay mapupungay.

Sumpaang panghabang-buhay
Ngayon, nauwi sa paghihiwalay.
Diborsyo, d pa man legal.
Pero bakit parang pareho siyang malungkot
na paghihiwalay at sa iba'y sagot sa kanilang dasal?

Diborsyo, isang temang ang moralidad ay kontrobersyal
Pilit na pinaglalabanan ng gobyerno't simbahan.
Kasal, alan ng lahat na ito'y banal.
Ngunit paano nga ba iyong mga taong
sa pag-aasawa ay para ng sinakdal?

Pinagmamasdan ko ngayon ang aking ina.
Oo, hiwalay na sila ng aking ama.
Ngunit, sa halip ng lahat ng nangyari, ako pa rin ay masaya.
Naghiwalay man sila ay di bale na.
Kesa naman sa araw at gabi nasasaktan ang mahal kong ina.

Sort:  

Malungkot ang paghihiwalay ng mga mag aasawa , sana lang maging matatag ang bawat mag asawa sa debosyon n pinili nila ang buhay may asawa...para masaya lahat ng pamilya:)

uu, talagang malungkot ang magkahiwalay kaya maiging pag-isipan muna bago muna pasukin ang buhay may asawa. salamat!

tagos sa puso ang tulang ito! mahusay!

salamat at nagustuhan mo @luckystar12!