Mahirap ibalik ang tiwala pag ito'y nawala
Ang pagtitiwala ay hindi dapat mawala sa atin at aabusuhin, dahil kung itoy aabusuhin sa kapwa natin mawala na ang tiwala sa atin, wala na tayong kahalagahan kung wala ng tiwala ang kapwa natin, dahil ang isang tao kung magtitiwala sa kapwa nya wala na itong pagakakataon na maibalik pa kapag itoy mawala na, dahil ang pagtitiwala ang pinakamahalaga sa isang tao , kahit na tayo ay mahirap lamang kailangang may dignidad tayo Para sa kapwa natin.
Kung may nagtitiwala man sa atin kailangan hindi rin natin sila bibiguin,dahil alam nating lahat na kung hindi natin ito pinahahalagahan darating sa punto na ang nagbigay sa atin ng tiwala ay mawala dahil sa sinayang natin ang kanilang tiwala sa atin, kaya gagawin natin ang lahat ng ating makakaya na huwag sirain ang tiwala ng ibang tao sa atin kahit na tayo ay mahirap lamang, iisipin natin na tayo ay napaka swerte dahil bibihira ang mga taong nagbigay ng tiwala sa iba.
Pag ang tiwala ng isang tao ay mawala asahan mong mahirap na itong ibalik. Ang pagtitiwala ay isang napakahalaga. Kaya kahit napakaliit na bagay kung hindi ka kayang pagkatiwalaan ay wala ring saysay. Pano kapa pagkakatiwalaan kung sa maliit na bagay hindi mo kayang pahalagaan? Kaya dapat nating isa isip na ang tiwala ay lumilipas pag ito'y hindi inaalagaan.