#tilphilippines ("Today I Learned") & Things You Didn't Know About Trending Posts - Tagalog TranslationsteemCreated with Sketch.

in #tilphilippines7 years ago (edited)



(Google Image)

Mga kakabayan kong Pilipino!! Andito na ulet ang inyong labanderang si Maria! Ito na ang pinakahihintay niyong pagsasaling post sa Tagalog na isinulat ni @surpassinggoogle sa Ingles. =)

Hininigi ko lang po na sana bigyan natin ng oras na hindi lamang basahahin, ngunit inintindihin din natin ang ibig-isalaysaly ni @surpassinggoogle. Hindi biro ang oras na iginugugol niya sa pagsulat ng blog na ito.

Narito po and buod ng kanyang salaysay:

Para sa mga steemians na magpopost ng Tagalog, ito ang dahilan kung bakit hinihikayat na tagalog ang iyong steemit Post.

Bukod sa malinaw na dahilan sa paglikha ng isang komunidad at pagbubuklod sa Steemit Philippines, mayroon ding isang matibay na dahilan; kung saan ay: "Upang pukawin ang paglago ng steemit dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng "search engines".

Kung ikaw ay madalas na gumagamit ng internet mahahanap mo ang steemit na website gamit ang "search engines".

Kung ang steemit post mo ay Tagalog, siguradong mas maraming Pilipino ang maiinganyong sumali sa steemit. Karamihan sa mga steemit post ngayon ay sikat na sa Google at Bing. Paano pa kaya kung tagalog ang steemit post mo? Hindi ba't mas lalong nakakainggayong sumali sa steemit kapag nakakakita tayo ng post na nakasalaysay sa Tagalog? Mas marami ang sasali para gumawa ng sariling blog at unti-unti darami ang mga pinoy dahil mas pamilyar at mas simpleng maintindihan ang steemit.

Post na Tumitrending

Ang steemit post ay tumetrending dahil sa kakayahan ng kalidad nito na humikayat ng "upvote". Halimbawa, ang post na “Paano pumunta sa buwan sa halagang 20 dolyar” ay mas makakahikayat sa mga steemit "curators" na mag.upvote kaysa sa larawan ng kamatis.

Bakit?

Una, Marketing.
Ang www.steemit.com ay ang aming homepage at anu mang nakasulat dito ay nakakapalago sa steemit.

Isang dahilan kung bakit ang tumitrending na steemit post ay mas kikita ng pera ay “steemit growth” o ang kakayahan ng post na humikayat sa mga bumibisita sa steemit na sumali.

Ang unique at kakaibang content sa steemit ay mas makakahikayat sa ibang tao na sumali.

Pangalawa, “Curation”.

Ang “Curation” ay ang kakayahan na mapuna at makita ang isäng napakaganda at kakaibang post. Napakarami ng mga post sa steemit. Kadalasan, dahil sa rami, hindi napapansin ang ibang post.

Ang mga “curators” (yung mag myembrong nag.uupvote ng post) ay binabayaran para mahanap at mapatrending ang magaganda ngunit nababaliwalang post.

Kadalasan, ang “X-factor” o “wow-factor” ng post ang binabasihan ng mag curator para e-upvote at ipatrending ang post. Minsan ang simpleng picture ng kamatis ay ipinapatrending. Ngunit, kadalasan, ang mas unique na post gaya ng “paano pumunta sa buwan sa halagang 20 dolyar lamang” ang mas may tyansang mag-trending.

Konclusyon:

Karamihan sa mga content sa steemit ay sinusulat para sa myembro ng steemit. Pero mas maraming tao ang hindi pa myembro ng steemit na kailangang maintindihan kung ano ito.

Para sa mga beteranong “curators” ng steemit, mas importante at epektibo ang steemit post na hihikayat sa sinumang bumibisita sa steemit na sumali at maging aktibong myembro ng steemit. Mas makakahikayat ng mas maraming upvote and mas mapapatrend ng mga curator ang ganitong klase ng post.

Paano ito magagamit ng mga pinoy “content-creators” sa steemit?

Lalong gaganda ang post mo kung ito ay nakakaintriga. Mas tretrending ang post na ito kaysa sa iba.

Medyo mas mahirap at kailangan ng pasensya at sakripisyo ang paggawa ng orihinal at kakaibang post.

Ang punto ng “steemit” ay “mining with minds” o ang kakayahang makahanap ng namumukod-tanging post para ibahagi sa mundo. Para magawa ito, kailangan “matuto, mag-aral, mag-research, at magtrabaho”.

Ngayong araw, gusto kong imbitahin ang mga Pinoy "authors" na gamitin ang tag na #tilphilippines = (today i learned Philippines )

Bibisitahin ko ang tag na ito at susuportahan ko ang mga post na makikita kong gamit ang tag na #tilphilippines.

Gusto naming bumuo ng kulturang “mining with minds” para sa mga Pinoy na “content-curators” at simulan na pasikatin ang kanilang mga post. Gamitin rin ang tag #philippines sa iyong mga post. #pilipinas

Kung magpopost ka sa tagalog, papaano ka sisikat at tretrending?

Mas swesertehin ka kung sasamahan mo ng "English translation" ang iyong Tagalog post. Isulat ang English translation kahalip ng tagalog post sa loob ng isang post. Ang translation ay maaring sa talata o di kaya ay maaring sumulat ng Englis at Tagalog version sa loob ng isang post.

“Sa buhay, palagi kong hinihikayat ang sakripisyo at pakikipagkapwa tao. Hindi lahat ay nakaikot sayo.”

Samahan mo ng English translation ang iyong mga Tagalog post para maintindihan ito ng mga steemians na hindi pinoy na madalas bumisita sa tag na #philippines. Mas magugustuhan nila ang post mo at mahihikayat sila na e-upvote ito para magtrend. Halimbawa, https://steemit.com/pilipinas/@dreamiely/power-up-juan-steemian.

Gayon din, ang pinoy at foreigner na hindi pa myembro ng steemit na magsesearch sa google o bing ay mahihikayat ng post na Tagalog at English bersyon para sumali sa steemit.

“Lahat ng nasa post na ito ay humihikayat at hindi sapilitan. Gusto naming palaguin ang “pinoy steemit community” kaisa ang buong “steemit community” sa mundo.”

Higit sa lahat, gusto naming palaguin ang kakaiba at orihinal na mga post, “mining with minds”, pakikipagkapwa-tao, sakripisyo at pagmamahal. Ang mga katangiang ito ang siyang magpapalago sa “pinoy steemit community” para maging inspirasyon at kapakipakinabang sa buong steemit community sa mundo.

“May steem at steemit tayo ngayon dahil sa sakripisyo at pagpupuyat ng ibang tao.”

Ang iyong Kaibigan,
Terry


Simulan na nating pasikatin ang tag #tilphilippines #pilipinas #philippines!

Maraming salamat sa iyong oras kabayan, Ako ay mag hahain na ng hanaponan. Ako'y iyong pwedeng salohan! ^_-

Here is the link to the original post in English version wrote by @surpassinggoogle. Click Me

Thank you for taking your time to read this!
Share this with the rest of the steemit community and outside, let us do our part to contribute to this community. Let's not take this opportunity for granted. Take actions, remember not everything lasts forever. If you think this is a good opportunity, why wait tomorrow? If you are reading this, it means you are online, am I right or am I right? It means you have to opportunity NOW!

If you are prosperous and you think or you feel that you don't need another opportunity, maybe you can spare a little bit of your TIME by sharing this e.i. FB, Reddit whatever way you can to help the others who have been seeking an opportunity in life, you'll be surprised how many will thank you.

I'll leave you with this saying,
“Great achievement is usually born of great sacrifice, and is never the result of selfishness.”

Thank you for giving me the permission to translate your post in Tagalog.

@surpassinggoogle
divider-1024.png

Sort: