A Pilipino Poetry "Pagkakaibigan"

in #tagalogtrail6 years ago


Pagkakaibigan

Bawat isa'y hinuhubog sa pamilyang pinagmulan
Ibat-ibang pamamaraan ang s'yang kinalakihan
Magkaibang personalidad ang kinagisnan
Naging hawak-hawak kahit saan


Sa una man nating tagpu't pagkikita
Hindi man ganun kadaling makisama
Mata, kilos at pandinig ay ramdam na
Di alam pagkakaibigan ay uusbong na pala


Sadyang kay bait ng panahon
Tadhana minsan man umaayon
Pagkrus ng landas natin pinagkataon
Magkaiba man ng agwat at panahon


Bawat tawa'y dinig man sa iba
Hangga't hindi ito nakakabara sa tainga
Di man natin alintana na may bukas pa
Di pansin ang oras at uwian na pala


Kulitan at asaran man ay nandiyan
Tuksohan at pikonan man ay makisabayan
Gawai'y minsan hindi na nagustuhan
Basta't pagkakaibigay pinabulaanan, gusot ay malulusotan


Hindi man lahat ng panahon tayo'y magkasama
Hindi man lahat ng oras tayo'y galak sa tawa
Hindi man itong pagkakaibigan natin iba sa kanila
Pero dito ko lubos nadarama, na tanggap ako ng walang sawa


Alam natin sa umpisa, na tayo ay magkakaiba
Ibat-ibang pananaw, opinyon minsan di magkaisa
Pero hangga't tibok ng puso ay iisa
Pagkakaiba'y siyang naging umpisa, na tayo'y nagkasama


Sort:  

Congratulations @mhelrose! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of posts published

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:

SteemitBoard - Witness Update
SteemFest³ - SteemitBoard support the Travel Reimbursement Fund.

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!