Tagalog Serye: Unang Bahagi ng Ika Unang Pangkat ||Si Pepe at Ang Mundo ng Earthia

in #tagalogserye6 years ago (edited)

toto.png

Bagumbayan Disyembre 30,1896 alas siyete ng umaga.



Nakahanda na ang lahat, nakalinya na ang mga guardiya sibil sa magaganap na pagbaril sa isang binata. Mainit ang umagang iyon, mataas ang sikat ng araw. Dahan dahang naglakad siya suot ang kulay itim na kasuotan mula sa sapatos hanggang sa sumbrero. Bitbit niya sa kaliwang kamay ang isang rosaryo na binigay pa sa kaniya ng kaniyang ina.

Ganito pala kapag malapit nang magwakas yaring buhay.

Sambit niya sa kaniyang sarili habang bumabalik sa kaniyang mga gunita ang alaala ng nakalipas. Mahigpit ang pagkakatali ng lubid sa kaniyang braso sa may bandang likuran para masiguradong hindi siya makakatakbo o makakatakas. Narating na niya ang hangganan, tumigil siya sa paglalakad at pumikit.

Itinaas ng heneral ang kaniyang espada at sumigaw sa salitang Kastila

Preparado!

Matapos nito ay sinundan niya naman ng salitang

Apunten!

Dito na itinutok ng mga kawal ang kanilang mga riple. Ang mga saksing hindi naman kastila ay nakamatyag lamang, hindi nahinga dahil sa sumunod na wika ng heneral na

Fuego!

Sunod-sunod na putok mula sa riple ang narinig at ito ay tumama na likod ng binata. Bago pa man siya mawalan ng buhay siya ay humarap sa mga kastila upang ipakita na hindi sila nagtagumpay sa kanilang balak. Bilang tanda ng kaniyang katapangan.


Earthia panahong MDCCCXCVI Unang Bagong Buwan sa Kalendaryo ni Paius.


Isang pulutong ng tao ang nasa isang silid, lahat sila ay nagkakasiyahan at nagwiwika na "Tayo ay nagtagumpay!".

Inilibot ng binata ang kaniyang mga mata sa buong paligid at napagtanto niya na hindi ito ang Bagumbayan. Tanging pagtataka ang kaniyang naiisip ng panahon na iyon dahil sa ang mga taong nakapaligid sa kaniya ay nag-iiyakan sa lubos na kagalakan.

Ang pagtatawag sa isang bayani naging isang matagumpay na proseso!

Isang magandang dalaga ang pumasok sa tarangkahan. Kulay rosas ang kaniyang buhok na nakasuot ng isang magarang bestida. Agad siyang nilapitan ng dalaga at yumuko bilang pagbibigay galang.

Dakilang bayani, patawad kung ikaw man ay naguguluhan sa mga pangyayari. Ikaw ay aming pinatawag mula sa iyong mundo papunta sa amin upang kami ay iyong tulungan.

Hindi na siya nakasagot pa sa ganda ng nasabing dalaga na wari mo'y may mahika siyang taglay. Hinawakan ng dalaga ang kamay ng binata at nagpakilala na siya si Prinsesa Fey sa kaharian ng Earthia. Inakay siya nito papunta sa terasa ng palasyo at dito niya nakita ang bago niyang mundo.

Pagkamangha ang naramdaman ng binata, ang arkitektura ng paligid ay ibang iba sa kaniyang kinagisnan ngunit may pagkakahawig parin naman sa mga kalye ng Europa. Maliban sa magagarang gusali agad niyang napansin ang isang madilim na ulap sa may dakong silangan ng kaharian. Dito na pinunan ng detalye ni Fey ang mga bagay-bagay na maaring makasagot sa katanungan ng binata.

  • Una ang mundong ito ay ang Earthia, na kung saan ang mga tao at ibang mga nilalang ay nabubuhay ng matiwasay.

  • Ikalawa, kada ika isang libong taon ay ipapanganak ang Hari ng Kadiliman at magbabalak siyang sakupin ang buong mundo. Dahil sa ang taglay niyang lakas ay hindi mula sa mundong ito, sa tulong ni Paius ( ang bathalang gumagabay sa mundo) ay binigyan niya ng pagkakataon ang mga tao na lumaban sa Hari ng Kadiliman. Ang unang bayani ay nagtagumpay na supilin ang kasamaan ngunit isang sumpa ang kaniyang binitawan na sa tuwing ika isang libong taon ay babalik siya upang maghasik ng dilim. Lumipas na nga ang panahong iyon at ngayon ay ang ika limang taon na gising si DeShawn ( Ang hari ng kadiliman ) at nasakop na nya ang kabuuan ng Earthia . Sinubukan nilang tumawag ng mga bayani sa ibat-ibang panahon at mundo ngunit wala ni isa man lang ang tumugon o marahil ay hindi sapat ang aming kapangyarihan upang tumawag. Ngunit hindi sila nawalan ng loob at narito ka siya ngayon upang sila ay tulungan.

  • Ikatlo, siya ay yumao na sa kaniyang mundo kaya't hindi ka na muling makakabalik doon.

  • Ika apat biniyayaan siya ni Paius ng kapangyarihan upang gapiin si Deshawn, ang kanyang kapangyarihan ay nasa sa kaniya na simula palang ng siya ay nasa mundo niya at mas pinalakas lamang dito.

Kaya't pakiusap aming bayani tulungan mo kami sa aming kinasasadlakan ang maluha-luha niyang wika habang siya ay nakaluhod sa harapan ng binata.

Ito ang kaniyang kahinaan, ang isang magandang dilag na lumuluha kaya't naguguluhan man sa mga pangyayari ay agad niyang pinunasan ang luha sa mga mata ng dalaga at nagsabi na siya ay tutulong. Tawagin mo nalang akong Pepe at huwag nang bayani tutal naman ay hindi ko parin tanggap ang aking pagiging bayani.

Bagama't may angking husay sa pag gamit ng baril si Pepe sa mundong ito ay wala silang mekanismo na tulad ng isang baril iniisip niya kung paano sya makakalaban kay DeShawn at kung anong kapangyarihan ang mayroon siya.

Isang malakas na hiyaw ang narinig niya sa may bulwagan kung saan siya nagmula.

Tulong! Tulong! Ang alipin na ating ginamit upang tawagin ang bayani ay biglang nawalan ng malay! Kailangan namin ng manggagamot!

Tumakbo ng mabilis si Pepe para tignan ang mga nangyayari, dito nakita niya ang isang dalaga na nakahandusay, may tainga na kawangis ng isang engkanto. Agad niya itong nilapitan, sa kaniyang pagtingin nalaman niya na kinukulang ng buhay na enerhiya o mana ang dalaga. Ang mga bagay na ito ay hindi niya naiintindihan ngunit siya ay nagwika at nagtanong ng kung paano madaragdagan ang mana ng dalaga dahil sa ito ay unti-unting paubos na.

Kailangan magsalin ng mana sa kaniya aming bayani!

Sigaw ng isang taga masid.

Pwes umpisahan na ang pagsasalin kung gayon! Para mailigtas ang dalagang ito.

Ngunit wala ni isa man lang ang lumapit upang gawin ang pagsasalin. Nagtataka siya kung bakit kaya't tinanong niya ang mga naroroon kung ano ang problema.

Aming bayani, mahigpit pong ipinagbabawal na kami ay dumikit sa isang alipin at ang pagsasalin ng mana sa kanila ay isang malaking kasalanan.

Kung gayon bilang bayani ninyo ako na ang gagawa ng ritwal ng pagsasalin ng mana. Ako narin ang haharap sa parusa. Ituro niyo kung paano ang gagawin.

Itinuro ng mga taga masid ang pamamaraan ng pag sasalin ng mana gamit ang mga kamay at ito naman ay agad natutuhan ni Pepe.

Mula sa kanyang puso, pinadaloy niya ang kaniyang mana sa mga ugat ng kaniyang kamay hanggang sa daliri. Isang puting liwanag ang bumalot sa kaniyang mga kamay na simbulo ng kaniyang aura. Hinawakan niya ang kamay ng alipin at sinimulan ang pagsasalin.

Hindi gaya noong nagsusubok siya sa tagamasid , ang kaniyang mana ay hindi dumadaloy patungo sa katawan ng alipin. Mas lalong nanghina ang katawan ng dalaga at nataranta na siya sa dapat gawin.

Mahal na bayani, hindi tinatanggap ng kaniyang palad ang inyong mana. Kailangan nyong isalin ito ng direkta sa kaniya.

Paano?

Sa pamamagitan ng halik sa labi

Walang ka abog-abog ay agad nang hinalikan ni Pepe ang dalaga. Puting liwanag ang bumalot sa kanilang dalawa at ang marka ng pagka-alipin sa may leeg ay biglang nawala. Naging matagumpay ang pagsasalin ng mana sa kaniya at unti-unting dumilat ang mga mata ng dalaga. Isang napakagandang dilag ang tumambulat kay Pepe, mas maganda ang alipin sa prinsesa ng palasyo.

日本つづく Itutuloy







Unang Pangkat

@romeskie , @cheche016, @jampol, @tpkidkai, @oscargabat, @valerie15, @julie26

Ikalawang Pangkat

@twotripleow, @beyonddisability, @jemzem, @kendallron, @rodylina , @jamesanity06, @chinitacharmer

Mga Elementong Ginamit:

  • Slavery
  • Rescue
  • Transformation

Tema:

  • Sci-Fi

Mga Karakter:

Bayani: Pepe ( talagang Pepe ang ginamit sa kwentong ito dahil may mga supresa pang susunod).
Villain: DeShawn( Ang halimaw na gustong pagharian ang buong mundo)

Mga dagdag na karakter:

Prinsesa Fey: Ang magandang prinsesa na nanghingi ng tulong para iligtas ang kanilang mundo
Walang Ngalang Alipin: Isang Engkantada na may mataas na uri ng kapangyarihan.

Bilang ng mga salita: Sobra sa 1k napasarap akong magsulat.


Disclaimer: Ang kwentong ito ay isa lamang kathang isip. Naisip ng awtor na dahil sa isang bayani si Rizal ay magandang maging isang reference siya sa akdang ito. Ito ay isa sa mga naisip na ideya ni @tpkidkai na kung saan naimpluwensyahan siya ng mga binabasa niyang Manga na ang tema ay Isekai o yung mga nalipat sa ibang mundo. Kung pamilyar kayo sa Drifters na manga isa iyan sa mga reference ko. Kung saan ang mga Bayani mula sa ibat-ibang panahon ay tinawag sa isang alternate na mundo para magligtas.


Mga pinagkunan ng larawan: 1 2

Sort:  

ayos! parang animé ang dating. pero gusto ko magkaroon ng kalaban sa kwento na ang pangalan ay DeShawn. nyahaha! 😁

Hahahha nabasa ko ang gawa ni @twotripleow ginawa tayong kontrabida hahaha umpisa na talaga ng digmaan ng Tagalogserye! Pinalitan ko na ang pangalan ng main villain din hahahah

Hahaha! Umpisahan na ang digmaan! 🤣 Ang husay ng pagsasalaysay at ng iyong naisip na plot TP. Ika sa talagang alamat!

haha ang saya nito

Yes BD. O diba ikaw din 2 syllables nalang ang pangalan.

oo nga eh .di ko naisip na pwede pala yun

Ayos lang pinuno haha. Binasa ko na lahat lahat. Kahit ako pa maging kalaban sa buong storya, iisa naman layunin natin ang mapasaya ang stundent ni Minmin hehe.

Ayun naman ang pinaka goal natin mapasaya ang estudyante ni Min-min at ang pag-aaraling chicks ni Toto. Ay lalaki nga pala ngayon ang beneficiary nya hahah

Haha ok lang. Gusto ko talaga mapa saya ang student ni Minmin kahit ako kontabida ayos lang haha. Huwag kayo magalala sa'kin kahit ano pa yann keribells ko iyan. Haha.