Filipino Fiction : Tagalog Serye X : Ang pangwakas na bahagi ng Ikalawang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago (edited)

image

Ang nakaraan: "Inay, bakit di mo ako inintay. May ibabalita ako sayong maganda tungkol kay Ineng", wala ng lakas na sabi ni Raprap. Napaluhod na lang sya sa gilid ng kama.

“ITAY INAY!!!” Yan agad ang linyang kanyang naisigaw ng maimulat nito ang diwa sa kabila ng malagim na panaginip.
Nagising na umiiyak, pinagpapawisan at tila punong puno sya ng takot na isang dahilan kung bakit ganun na lang kay bilis ang tibok ng kanyang puso.

Tatlong beses nag-ring ang selpon ni Raprap bago ito nasagot.
"Hello Tay!" pagkasagot ni Raprap sa selpon.
"Hello, anak! Musta ka na diyan?" pangungumusta ni Oca sa anak.
"Okay naman Tay. Oo nga pala Tay. Mahihirapan po akong makauwi bukas sa anibersaryo niyo ni Inay. Kas- KASI- KASI. Indi tay pupunta po ako magleleave ako sa trabahong isang linggo at tatapusin ko po yung project ngayon araw para makabyahe ako mamayang madaling araw. Darating ako tay darating po ako. Intayin nyo po ako.
"Nak ayos ka lang ba, bakit para kang natataranta. Pero mabuti yan anak. Miss na miss na ni tatay ang panganay niya."

Darating ako tay, at tuturuan kong lumangoy si Ineng"
"Salamat anak, paano ako ay magsisimula ng magtrabaho"
Mahal na mahal ko po kayo. Pakumusta po kay inay, pati kay Pol at Ineng. Happy Anniversary po."
"Sige anak. Bye."
"Sige po itay."
Naghilamos si Raprap sa banyo at sinasapo ang sarili kung gising na nga ba siya. Panaginip lang ba ang lahat? Habang ito ay nakatingin sa kanyang bintana , kanyang naalala lahat lahat ang ngyari sa kanyang panaginip. Sya na lamang agad ay naiyak sapagkat napagisip isip nya na kay hirap pala mawalan ng mga magulang. “Paano na lang kaya kung totoo iyun?” Kanyang tanong sa sarili, kaya muli nya itong tinawagan ang kanyang ina.

Ringgggggg..ringgggggggg
Vita : oh anak napatawag ka?
Raprap: Nay kamusta kayo dyan? (Patanong nya habang namumuo ang luha sa kanyang mata)
Vita: okay lang naman kami anak, ikaw kamusta ka na dyan?
Raprap: Nay, alam ko magaanibersaryo na kayo ni itay, wag kayong mag alala. Gagawin ko lahat ang aking makakaya upang ako ay makauwi at makasama ko kayo. Ang tagal tagal na natin hindi nagkikita. Siguro ito ang tamang oras para maging kompleto tayo ulit. Pasenya na po kayo sa akin, Inay.
Vita: Anak, naiintindihan naman namin ang iyong dahilan kung bakit hindi ka rito makauwi uwi, pagaaral mo naman yan. At kailangan yan dapat talaga ang unahin dahil yan ang yaman lamang na aming maibabahagi sa inyo. Kapag nawala kami ng iyong ama, eh kayong magkakapatid na lamang ang magtutulungan.
Raprap: Inay, hi...hinn.. hindi po. Uuwi po ako! Promise ko po iyan sa inyo. At tuturuan ko pa pong lumangoy si Ineng. O sya inay, putulin ko na po ang tawag. Mahal na mahal ko po kayo.

Pagsapit ng umaga

Tok tok tok tok..

Vita : Panganay ko! ( Kasabay nito ang pagyakap ng mahigpit dahil sa kanyang pananabik )
Rap rap: Inay! Namiss ko po kayo. (Kasabay ng pagmano). Nay, nasan nga po sila Pol at Ineng at si itay?
Vita : Si tatay , maagang syang pumasok sa may morge dahil tinawagan sya kagad ng kanyang boss.
Rap rap : Ganun ba Inay? Sobrang busy naman ni itay.
Vita : Sila Pol at Ineng andun sila sa may dalampasigan, naglalaro.

Dali daliang nagpalit ng damit si Raprap upang puntahan ang kanyang mga kapatid sa may dalampasigan. Malayo pa lang sya, natatanaw nya na ang kanyang mga kapatid na naglalaro sa may buhangin.

Pol : Ineng! Mukhang andyan na yata si Itay! Mukhang may paparating.

Hanggat..

Raprap: Pol!!!! Ineng!!!! Pasigaw nito kasabay na mabilis na pagtakbo sa kanyang mga kapatid.
Ineng at Pol : Kuyaaaa!!!!

Mahigpit na nagyakapan ang tatlo. Sa sobrang pananabik, hinalikan ni Raprap sa pisngi si Ineng at hinaplos naman ang buhok ni Pol.

Pol: Kuya bat nagpasabi na uuwi ka pala?
Raprap: Dahil gusto ko kayong sorpresahin attt ... may maganda akong balita.
Pol : ano iyun kuya?
Raprap : at akin ng tuturuan ng lumangoy si Ineng! ( kasabay ng pag akbay sa kanyang kapatid )

Ngunit tila hindi natuwa si Ineng sa sinabi ng kanyang Kuya.

" Nasaan si itay" Ika ni Ineng
"Bunso, ipagpaumanhin mo ngunit hindi ka matuturuang lumangoy ngayon ni Itay, bigla siyang ipinatawag sa trabaho. Kailangan na kailangan siya ngayon doon." Malungkot na pagbabalita ni Raprap kay Ineng.
"Ang daya naman ni itay, Mas importante pa ba ang trabaho mo kaysa sa atin? Palagi na lang walang oras." pagtatampo ni Ineng. Hindi na nakasagot si Raprap sa kanyang kapatid na mabilis na tumakbo papalayo na sinundan naman ng kanyang kakambal.

Pol : Ineng!! Ineng!!

At nang mahawakan nya na ito..

Pol: Bunso, intindihin na muna natin si Itay, wag ka na magtampo aming bunso. Andyan naman na si kuya Raprap oh, di ka ba natutuwa?
Ineng : Paano kasiii!! Pangako ni itay sakin na sya magtuturo sa akin! Pero wala naman sya. Lagi na lang ganyan.

At sa kanilang likuran..

Raprap : Kaya andito na ako aming bunso, umuwi ako para sayo. Gusto mo ba aalis na ako pauwi?

Agad agad lumapit si Ineng kay Raprap at niyakap nya ito.

Ineng : Pasensya ka na kuya. Nakakatampo lang si tatay.
Raprap : O sya! Wag ka ng umiyak. Halika na. Lusong na tayo at tuturuan na kita. (Kasabay ng ngiti nito sa kanyang kapatid)

Masayang masaya ang magkakapatid sa paglalangoy. Sigawan dito, sigawan duon, tawanan dito, tawanan duon. Tila kay sarap nilang pagmasdan sa kanilang ginagawa.

Pagkatapos ng dalawang oras..

Vita: Raprap... Pollll...Ineengg....kakain na tayo...(pasigaw nito)
Raprap : Andyan na po inay!

Sa kanilang bahay..

Habang pinagmamasdan ni Vita ang mga anak na kumakain..
Vita: Kay sarap nyo naman pagmasdan aking mga anak. Kahit papaano naging kompleto ulit kayo. Akin lang naalala ang mga nakaraan na kung saan kayo ay mga musmos pa. Alam nyo ba? Habang kayo ay naglalangoy kanina? Labis ang aking tuwa sapagkat anduon pa rin ang pagmamahalan nyo sa bawat isa. Kahit papano kung mawala man kami ng ama nyo, magagawa nyo pa rin bantayn ang isa’t isa. Naalala ko pa, si tatay nyo maguuwi ng jelly ace palagi para kay Raprap, tapos pupuntahan nya sa kwarto si Ineng sa kwarto na natutulog. Habang si Pol naman iyak ng iyak dahil lagi masakit ang ngipin. Ang lalaki nyo na mga anak ko. ( kasabay na pagtulo ng luha nito )

Raprap: Nanay naman oh, wag ka po mag alala, darating ang araw magiging kompleto tayo muli. (kasabay ng pagyakap sa ina)

Kinaumagahan..

“Pol gising! Bumangon ka na! Mahuhuli na tayo sa paaralan! Wika ni Ineng habang niyuyugyog ang kanyang kakambal.
"Heto na! Babangon na!. Masyado ka namang excited. Porke huling araw ngayon ng eskwela." sagot ni Pol habang pupungas-pungas pa.
"Siyempre. Kasi pagkatapos nito bakasyon na at matutuloy na ang pagtuturo sa akin ni tatay na lumangoy. Naalala mo ba ang pangako nya sa akin?" Usisa ni Ineng.
Napangiti na lamang habang umiiling ang kakambal.

Raprap: Kung wala si itay, ako na muna ang magtuturo sa kanya araw araw.
Ineng : Ang lakas ko talaga kay kuya oh.
Raprap: Syempre naman bunso.

Lingid sa kanilang kaalaman, matagal tagal mananatili si Raprap at walang kaalam alam si tatay Oscar na dumating na ang kanyang panganay sa kanilang bahay.

“Nay, aalis na po kami." Pagpapaalam ni Pol.
"O sya mga anak, mag-iingat kayo sa daan. Gagalingan ninyo palagi sa paaralan." ika ni Vita sabay halik sa magkapatid. Ngunit bago pa tuluyang makaalis ang magkapatid...
"Pol , ikaw na ang bahala kay Ineng, alam mo naman na sa kalagayan nya ay dapat na may gumagabay sa kanya. Walang ibang makakatulong sa kanya kundi ikaw. Kapag dumating ang panahon na wala na sila inay at tatay tayo na lang ang aasahan ng isa't isa. Tandaan mo, hindi madali ang buhay, kaya dapat ay palagi tayong handa". Pagpapa-alala ni Raprap sa kanyang kapatid.

Pol : Kuya ba’t parang nangyari na ito??
Raprap : Naku Pol! Guni guni mo lang yan. Sige na alis na kayo. Ingatan mo si Ineng. Uwi kayo ng maaga at akin pang tutulungan si Nanay sa gawaing bahay.
Pol. O sige po kuya alis na po kami. Nay, alis na po kami. ( sabay yakap nila sa kanilang kuya’t ina)

Nang makaalis ang kambal ..

Raprap: Nay, pwede ba kita makausap. May gusto lang po sana akong sabihin.
Vita: Sige anak, maupo tayo dito sa may kusina. Ano ba iyon?
Raprap : Nay , mahal na mahal ko po kayo. Ayaw ko po kayong mawala ni itay.
Vita: Bakit mo naman nasabi yan anak? May problema ka ba?
Raprap: Nay sa totoo lang po, matagal na po akong nawala sa iskolar ng bayan sa Maynila. Kaya po hindi ako makauwi uwi, dahil nagtatrabaho po ako sa gabi, sa umaga naman pumapasok po ako. Gusto ko pong maabot po kasi ang pangarap ko at pangarap nyo sakin. (Habang ito’y naluluha)
Vita : Anak, sana sinabi mo samin ng iyong tatay upang natulungan ka namin. Bakit hindi mo sinabi agad?
Raprap: Ayaw ko na po maging pabigat sa inyo, lalu na’t kelangan nyo pang gumastos para sa gamutan ni Ineng. Tyaka gusto ko po kase tuparin ang aking pangako na magtatapos po ako.
Vita: Anakk di ..di.. ko naman akalain na ganyan ang iyong sitwasyon duonn..(paputol putol na wika ng kanyang ina sapagkat ito’y malapit ng pumatak ang kanyang luha )
Raprap: Nakapagtapos na po ako Inay, yun nga lang po dadalawang taong kurso lang po ang natapos ko. Yun na lang po kase ang aking makakaya. At yung kursong nursing ko dati, naging health care na lang po na kung saan pwede ka ng grumaduate ng dalawang taon. May regalo po pala ako sa inyo nay.. ( may dinukot ito sa bulsa ) , Inay ito po ang gintong medalya. Para sa inyo po iyan ni itay. Grumaduate po akong may honor sa unibersidad na aking pinasukan.Regalo ko po yan sa inyo ngayong araw. Yumoko ka inay, at isusuot ko sayo ito.Happy Anniversary po sa inyo ni itay..(kasabay ng halik sa ina)

At tuluyan ng tumulo ang luha ni nanay Vita sa kanyang mga mata

Vita : Maraming salamat Anak, ano ba yan! Pinapaiyak mo ako. Haaayy! Salamat sa panginoon at binigyan kami ng anak kagaya nyo. Ano man ang iyong marating sa buhay, lagi mong iisipin na proud na proud kami ng iyong itay. Tiwala ako sa kakayahan mo, sa inyong magkakapatid. Basta ang tanging bilin ko lang, kapag kami ay nawala ng iyong ama, nawa’y ikaw ang magsisilbing gabay sa kanila.
Raprap : Makaka asa po kayo sakin Inay. Kaya nga po ako kumuha ng kurso na may kaalaman sa kalusugan upang lagi ko yun gamitin kay Ineng, sa kalagayan nya.
Vita: Salamat sa iyo, Anak ko.
Raprap: o inay! Tama na ang iyakan na ito. Kelangan magsaya tayo ngayong araw sapagkat ating ipagdiriwang ang anibersayo nyo ni itay! Maglinis na po tayo. At mamayang gabi darating na din si itay at atin syang sosorpresahin. Maghahanda po kami nila Ineng at Pol.
Vita: Anak naman oh. O sige.

Pagsapit ng gabi habang nakahanda na ang lahat. Nagpasya na lang si Raprap na sunduin ang kanyang ama sa kanyang pinagtatrabahuan.

Raprap : Inay! Susunduin ko na lang po si itay basta yung pinraktis nating pagsusorpresa, kailangan magawa natin ha.
Vita: O sige anak.

Habang nasa daan na si Raprap..

Ringggg ringggggg...

Raprap : Itay!! Happy anniversary po! Anong oras po kayong makakauwi?
Oca: Anak! Mga bandang alas otso aalis na rin ako dito. Ikaw ba? Makakauwi ka ba panganay ko?
Raprap: Oo itay, kaya lang po asa daan pa po ako. Masyadong traffic. Uwi na po kayo pag ka out nyo, dahil tumawag sila inay, hinihintay na daw kayo tyaka..

At naputol ang kanilang paguusap. Walang kaalam alam si tatay Oca na papunta na sa kanya si Raprap upang sya ay sunduin.

Ringggg ringggggg ringggg...

Vita : O asawa ko, nasaan ka na?? Naghihintay na mga anak mo rito.
Oca: Asawa ko, medyo mahuhuli ako ng mga dalawang oras, kase akala ko makakapagout na ako ng 8pm yun nga lang biglang tumawag sakin ulit ang boss ko, may paparating na naman daw ba bangkay at ako na lang ang andito. Kaya wala akong magawa asawa ko. Pasabi na lang kay Raprap dahil nasa daan na din daw sya pauwi.
Vita: Ngunit ...

Biglang naputol ang tawag ..

“Kailangan ko na itong bilisan, sapagkat gusto ko na rin makita ang aking pamilya”, wika ni tatay Oca sa kanyang sarili.

Inihanda nya lahat ng mga instrumento na kanyang gagamitin na tila gusto nyo na kagad matapos ang kanyang trabaho.

At tumigil ang kanyang mundo na tila naging madilim ang mga sandaling mga iyun sa kanya. Hindi makagalaw, hindi makapagsalita kasabay ng panginginig. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay, hanggang sa labi na hindi maikurap kurap ang mata hanggang ...

Oca : RAPRAP!!! ANAK KOOOOOO....Gumising ka anak ko, gumising ka. (pilit na niyugyog ang katawan ng anak na hinihiling na mabuhay ito)

Hinaplos ang mukha kasabay ng mahigpit na yakap sa bangkay na balot na balot na katawan ng kanyang anak. Tila yun na yata ang pinakamapait na parte sa kanyang trabaho. Ang embalsanuhin ang sariling anak. Walang tigil ang hagulgol ng pagiyak ni tatay Oca sa loob ng Morge kasabay ng paulit ulit na haplos sa mukha nito. Unti unti nyang sinisisi ang sarili sa malagim na sinapit ng kanyang anak. Ito ay nagtamo ng limang saksak sa kanyang tagiliran na kinahantungan sa pagkawala agad ng kanyang buhay. Hanggang mahulog ang cellphone ni Raprap sa kanyang bulsa at mabasa isang mensahe,

“Inay, malapit na ako kila tatay. Sa wakas magkakasama na tayo ulit. Maghanda na kayo. Sa pagkaka alam ko aalis na sya sa trabaho nya ng alas otso. Basta yung plano po natin ha, kunin nyo agad yung pulang panyo sa aking bulsa pagdating ko, at ipiring nyo sa kanya kaagad.”
Message sent : 7:43PM

Sa bahay

Kahit masyado late na nuon, naghintay pa rin sila Vita, Pol at Ineng sa pagdating nila Raprap at Tatay Oca. Sila ay natuwa nang may marinig na sasakyan sa kanilang harapan. Agad agad nilang sinalubong sa labas ang mag ama. Bumaba si tatay Oca sa sasakyan, piring ang mga mata nito ng pulang panyo. Habang ito’y naglalakad papalapit kila Vita. Walang tigil ng buhos ng luha ang dumadaloy sa mukha nito. At duon na nagtaka sila Vita at ang mga kambal, ang ngiti sanang sasalubong sa mag amay biglang naglaho. Balot ng takot at pangamba ang mga mukha ng magina. Hanggang alisin ni Vita ang panyo sa mata ni Tatay Oca bigla na lang itong napahagulgol ng malakas..

Tatay Oca : Wa.. waa.. waall..waalllllaaaa na ang panganay natin.

Agad itong napaluhod sa kanilang harapan na tila isinisisi ni tatay Oca sa kanya lahat ang ngyari. Pilit nyang sinusuntok ang kanyang sarili at duon na rin magsimulang umiyak ang kambal

Vita : Asan ang anak natin?? Asaan sya?? Asaan ang panganay natin!!!???? (Pasigaw na wika ni Vita habang ito’y nanginginig at tila ayaw tanggapin ang ngyari)

Nang buksan ang puting Van. Bumungad sa kanila ang puting kabaong na karga karga ang bangkay ni Raprap. Walang tigil sa kakasigaw si Nanay Vita ng “ANAAAKKK KOOOO!!!! Pangaannaaaaay ko!!!” Habang yakap yakap nito sa puting kabaong. Nagsisigaw naman ng “KUYAAAA KUYAAAA” ang mga kapatid nito na wala ring tigil sa kaka iyak.

Ang gabing iyon ang pinakamadilim para sa kanilang magkakapamilya. Ang masaya sanang pagdiriwang na annibersaryo ay nauwi sa pinamasakit na trahedya. Sumikat man ang araw ngunit sadyang nanatiling madilim ang bawat araw na kapiling nila si Raprap karga karga ng kabaong. Hindi nila matanggap tanggap ang ngyari rito. Kaya pagkatapos nuon, naisipan ng magkakapamilya na lumuwas na lang sa Maynila at iwanan ang mga mapait na ala ala ng kanilang buhay.

Bago Ihatid sa kanyang huling hantungan, napakanta ang kanyang Ina habang nakayakap ito sa kabaong nito, tila hinehele ng isang ina ang sanggol na bata ,
“Tulog na, Anak ko.
“Tulog na aking Raprap”
“Matulog ka na aking panganay”

At duon ginunita ang mga alaala ni Raprap.

Hangga’t..

Ringgggg.. ringgggg...

Ineng : Hello po.
Dr. Tragnetti : Congratulations Ms. Carina Celerio! We already found an organ donor for you. Hope to have the eye surgery on 8/31/18 at 7:43PM. Donor: Rafael RapRap Celerio

-WAKAS-

Prompts


Tema : Inspirational Drama

Mga Elemento na kailangang makita sa kwento
Dilemma ng mag-asawa

Pangaral ng magulang sa mga bata (quote or proverb na bibitawan at ipapaliwanag sa kwento)

May mangyayari sa isa sa mga anak nila na magiging turning point ng kanilang buhay

Tragic ending

Mga Kasali


Para sa unang grupo
Miyerkukes - @jemzem
Huwebes - @mrnightmare89
Biyernes - @blessedsteemer
Sabado - @twotripleow[DeShawn Tragnetti]

Para sa ikalawang grupo
Miyerkules - @czera
Huwebes - @iyanpol12
Biyernes - @BeyondDisability
Sabado - @oscargabat

image

Sort:  

Pukares n iyan. Naluluha ako. Mali na binasa ko ito habang nasa byahe. Tass kamay maong. Iba ka talaga

Posted using Partiko Android

Salamat BD. Nahirapan talaga ako kung pano ko bibigyan ng koneksyon ang ikatlong bahagi. Na challenged ako dun ng sobra. Haha.

Pero naitwid mo ng mahusay. Ang galing. Yung part na namatay si Raprap tapos sya ang donor ng mga mata ng kapatid nya pasabog yun.

Ineng : Hello po.
Dr. Tragnetti : Congratulations Ms. Carina Celerio! We already found an organ donor for you. Hope to have the eye surgery on 8/31/18 at 7:43PM. Donor: Rafael RapRap Celerio

Salamat Lodi BD.👌

Ang sakit sa dibdib @oscargabat grabe ka. LODI.

Natawa lang ako kasi kung may kasunod pa to. Feeling ko mamatay din si ineng ng 7:43pm medyo may sumpa ata yang oras na iyan. Hahaha

Posted using Partiko iOS

Nawa’y nabigyan ko ng hustisya ang una, ikalawa at ikatlong bahagi na gawa nyo. Nahihiya ako sapagkat yung tatlong manunulat na sinundan ko ay mga pawang beterano. Haha. Nagsimula ako magsulat mga 7:43PM😂

Ang ganda ng ending! Ang ayos ng pagkakatagpi-tagpi ng kwento. Gustuhin man nating walang mamatay, pero hindi iyon maaari kasi tragic ang ending. 😅
Pero kahit tragic ang ending, nagustuhan ko kung paano nagwakas ang kwento. ❤

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.