Tagalog Serye: Pangalawang Yugto ng Unang Pangkat
Magandang araw po sa lahat. Ito po muli ang inyong lingkod na si @chinitacharmer mula sa unang pangkat at kumakatawan sa ikalawang yugto ng #tagalogserye ng @tagalogtrail, hatid ang isa na namang matinding kwento (cheret) tungkol sa masalimuot na buhay ni Inspector Mark Sanchez na naghahanap ng hustisya para sa kaniyang asawa na walang awang pinaslang ng isang misteryosong serial killer na tila may malagim na nakaraan. Maaari ay basahin lamang ang unang yugto ng kwento na likha ni Ginoong @jamesanity06 upang mas mabigyan ng linaw ang kwentong ito. Sana'y maibigan ninyo ang aming pasabog! (cheret ulit)
Lahat ng tao ay nataranta sa muling pagpasok ni Inspector Mark Sanchez. Siya ay natanggal sa trabaho dahil nag AWOL siya matapos mapaslang ang kaniyang asawa. Ngunit dahil sa sunod-sunod na krimeng nangyayari sa bayan ng San Rafael, walang choice si General Bato kundi ibalik siya sa serbisyo.
Sa wakas, nagbalik na ang pinaka-mabagsik na inspector na kinatatakutan ng mga kriminal. Siya ay binansagang "The Punisher" dahil wala ni isang kasong di niya na resolba. Lahat ng suspek ay napanagot niya sa batas, kahit ang mga pulitikong sangkot sa mga ilegal na gawain kanya naring napabagsak. Halos lahat ng oras niya ay nakalaan sa pag-iimbestiga at paghuli sa mga masasamg loob, dahilan ng pagkawala niya ng panahon sa kaniyang asawa. Hanggang sa nangyari na nga kay Elizabeth ang isang karumal-dumal na krimen.
"Makining kayong lahat sa akin! Lahat ng files na may kinalaman sa serial killer dalhin ninyo sa aking opisina ngayon din! At Frank, sumunod ka sa akin." utos ni Sanchez.
"Malinis ang pagkakagawa ng krimen Inspector, at kahit anong hanap ko tanging ang simbolo lang na iniwan ng killer ang naiwang bakas ng krimen." paglalahad ni Frank.
"Anong klaseng forensic expert ka! Wala kang silbi! Hindi ka uuwi ngayon hangga't di natin natatapos buklatin ang lahat ng files na nandito!” galit na sumbat ni Sanchez.
Inisa-isa nina Sanchez at Frank ang bawat pahina ng nakatambak na files na halos kasing-taas na nila. Hinimay-himay nila ang bawat detalye ng pangyayari, at ang mga taong involved sa mga krimen, hanggang nakagawa sila ng isang crime investigation board. Mag-aalas dose na ng gabi at wala parin silang makitang clue kung sino ang serial killer na pumatay sa kanyang asawa at lima pang mga tao sa kanilang bayan. Ina-analyze niya ang koneksyon ng bawat krimen at ang pattern na pwedeng mabuo mula rito.
- Una: Lahat ng pinapatay ay babae.
- Pangalawa: Nangyayari ang krimen sa tuwing kabilugan ng buwan.
- Pangatlo: Walang kinukuhang gamit ang killer, kaya malinaw na ang kanyang motibo ay tanging pagpaslang lamang gamit ang isang kutsilyo na isinaksak sa puso ng mga biktima.
- Pang-apat: Nag-iiwan ang killer ng simbolong walang nakaka-alam kung anong ibig sabihin sa crime scene.
- Panglima: Nagtatago siya sa katauhan ng isang lalakeng nakaitim, at may takip na maitim na hood sa mukha.
Alam ni Inspektor Sanchez na may kakaiba sa mga pangyayari at ito ang nais niyang tuklasin. At tinawag niya ang serial killer na "Black Hood".
Kinabukasan
"Tao po, Inspektor Sanchez po, at ang aking assistant na si Frank. Magbibigay lamang kami ng ilang katanungan hinggil sa pagkamatay ng inyong asawa." pagpapakilala ni Sanchez sa asawa ng biktimang pinaslang ni Black Hood kamakailan lang.
"Napakabait ng asawa kong si Rose. Wala akong maisip na taong nakaaway niya o di kaya'y krimen na nagawa niya. " paglalahad ng lalake habang humahagulgol sa iyak.
"May kakaiba ba kayong napansin bago mamatay ang inyong asawa?" tanong ni Sanchez.
"Bago siya pinaslang, nag-away kami dahil nalaman niyang may iba akong babae. Siguro nga kasalanan ko ang lahat ng nangyari. Pero pinapangako ko, wala akong kinalaman sa kaniyang pagkamatay." muling humagulgol ang lalaki.
Matapos ang napakaraming tanong at cross-examination, alam nilang hindi ito ang killer at tunay ang kanyang pagdadalamhati sa yumaong asawa.
Sa loob ng isang linggo, wala silang ginawa ni Frank kundi isa-isahing imbestigahan ang bawat pamilya ng mga biktima. Matapos ang huling bahay na pinuntahan nila, umuwi si Sanchez sa kanyang bahay at humagulgol ng iyak, pinagsusuntok ang dingding ng bahay at binasag ang mga gamit! Nang mahimas-masan ay kinuha niya ang larawan ni Elizabeth at kinausap ito.
"Elizabeth, mahal ko, patawarin mo ako sa lahat ng aking pagkakamali! Patawad, dahil ako'y nagtaksil sayo."
Kinabukasan
"Inspector, feeling better?"
"Wala akong panahon para magmukmok Frank, kailangan na nating mahuli si Black Hood. Alamin mo kung kailan ang susunod na kabilugan ng buwan, maghanda tayo sa kaniyang susunod na pagsalakay."
"Copy that, inspector."
Sa loob ng dalawang linggo, malalaman ni Inspector Sanchez kung tama ang kanyang teoryang sa tuwing kabilugan ng buwan umaatake ang Black Hood at kung ang lahat ng biktima ay maybahay ng mga lalaking makasalanan. Pinaghandaan niya ang araw na ito at sinanay ang kaniyang team ng husto sa paghawak ng baril at sa martial arts.
Sa kabilang dako
Nakatitig si Black Hood sa kaniyang susunod na biktima habang nakangiti. May pitong larawan sa kanyang dingding, at ang anim dito ay may nakamarkang pulang ekis. Kinuha niya ang pang-pitong litrato, at tinitigan itong mabuti.
"Ang ganda mo pa naman, Emily. Sayang ka, ang dapat sayo minamahal, hindi sinasaktan. Malalaman lang ng asawa mo ang halaga mo pag nawala ka na! Yan ang parusa ko sa mga lalaking walang puso, sa mga lalakeng taksil! Bwahahahaha!" umalingawngaw ang halakhak ni Black Hood sa buong kabahayan sabay ang pagbalik niya ng litrato ni Emily sa dingding gamit ang kanyang pocket knife.
"Malapit na tayong magkitang muli, Claire." sabay halik sa litrato ng yumaong kasintahan na nakaipit sa itim na libro.
Sa opisina
Binati ni Frank si Sanchez at iniabot ang isang note, na tila mula kay Black Hood.
Alam ko ang bawat galaw mo,
at sinisiguro kong di mo ako mahuhuli.
Tumigil ka na sa pag-iimbestiga dahil kung hindi,
mas dadanak pa ang dugo sa bayang ito!
Nanggagalaiti sa galit ang inspector at tinawag ang lahat ng kanyang kasamahan sa isang pagpululong. Iisa lamang ang agenda -- ang plano kung paano madadakip si Black Hood sa susunod na kabilugan ng buwan.
Dumating din ang araw na pinakahihitay ni Sanchez. Naghanda ang lahat at naka alerto sa maaring pagsalakay ni Black Hood. Nakatago, nakamasid ng tahimik, at matiyagang naghihintay. Ngunit walang Black Hood na nagpakita.
Akala ng lahat ay nagtapos ang gabi ng tahimik, ngunit sa bahay ni Inspector Reyes, isa sa mga kasamahan ni Sanchez sa NBI, nakahandusay ang katawan ng kaniyang maybahay na si Emily katabi ang simbolong ginuhit ni Black Hood.
Galit na galit si Sanchez na umuwi sa kaniyang bahay. Ngunit dahil sa nangyari, tatlo sa kaniyang teorya ang nakumpirma.
- Una: Sa tuwing kabilugan nga ng buwan pumapatay si Black Hood.
- Pangalawa: Ang kaniyang pinapaslang ay ang kabiyak ng mga lalaking nagtaksil sa kanila.
- Pangatlo: Si Black Hood ay kilala niya, at marahil ay malapit sa kaniya, at malakas ang kutob niya kung sino ito.
Mga Karakter
Bida: Ang Haunted Hero: Hero na may malagim na nakaraaan (Si Mark Sanchez, isang inspector na may malagim na nakaraan.)
Kontrabida: Ang Corrupted Hero: Nagsimula na mabait pero naging masama (Secret muna kung sino sya sa ngayon, pampasabik para basahin ninyo ang susunod na yugto.)
Tema
Misteryo
Elemento sa Kwento na ginamit
Time Machine
Libro
Mga pinagkunan ng mga larawan: 1, 2
Bilang ng mga salita: 1,027
UNANG PANGKAT:
@jamesanity06 - Martes
@chinitacharmer - Miyerkules
@tpkidkai - Huwebes
@twotripleow - Byernes
IKALAWANG PANGKAT:
@ailyndelmonte - Martes
@jazzhero - Miyerkules
@johnpd - Huwebes
@cheche016 - Biyernes
IKATLONG PANGKAT:
@julie26 - Martes
@beyonddisability - Miyerkules
@romeskie - Huwebes
@jemzem - Biyernes
Ang intense ng karugtong Maine. Na-highlight un motibo at pattern ng killer. Detective mystery talaga. Good job sa pagkakatuloy.
P.S. Ang galing mo na sa tagalog :D
Maraming salamat Jazz. Gusto ko sana lagyan na ng fight scenes, pero ipapaubaya ko nalang kay @tpkidkai kasi mukhang masyado pang maaga para doon.
Natutoto ako sa inyo, pero di parin ako nangalahati sa galing ninyo. hihi. Salamat ulit sa support Jazz! Yay!
Fight scenes? Naalala ko yun kay lodi Jampol. Haha. Tumbling din ako nun kapag ginaya mo yun ganung estilo Maine.
Na-amaze din ako sa atake mo sa karugtong. Yun kulay at karakterisasyon na nabigay dun sa villain, nakakabilib. At nagustuhan ko rin un crime-solving aspect sobra.
Iiyak na ba ako? Hahaha.
Kailangang mabigyan din ng justice ang kwentong sinimulan ni @jamesanity06! 😅 marami pa aq gusto ilagay pro nahihirapan aq sa limit ng words. Kaya ipapaubaya q na kay TP ang karugtong lalo na ung fight scenes. Haha
P.S. di q kaya ang level ni @johnpd. Ibang level un!
Napakahusay mong writer. At nakakatuwang madiscover yun mga ganitong side mo sa pagkwento. Sa kasunod na part neto, gusto ko mamaintain un detective mystery. Exciting, may pa-clues pa and theories kasi :D
Salamat sa paligaang support, Maine.
Ma-maintain yan ni TP at magiging super intense pa! Excited na aq sa labanan ng dalawa. Di ito good vs bad, brutal vs evil to, kaya exciting! Mahusay ang nasimulan ni James. 😃
U'r always welcome, brotha!
ang galing! mahusay pala si Min-min sa mga detective stories. naging intense na tuloy ung kwento. hula ko si ano ung pumapatay...
si Sister Rowena. nyahaha! nandamay na naman ng ibang character 😂
Hahaha! Nakay @tpkidkai na yan, kung anong trip niya! Salamat sa suporta Jampol, at salamat dahil ina-upvote mo na ako ngaun! hahahaha!!!!
nyahaha! nadali mo ako dun ah. nyahaha! wala ako maisagot. puro nyahaha Lang. guiLty kasi. 😅
Hahaha! ok lang un, bumawi ka nalang sa akin ngaun! hahahaha! charot lang! :D
POTATO CHIPS POWER ON!
Tatawagan ko naman ang aking katropang si Detective Conan. Nakakamangha ang imbestigasyon sa kwento.
Pasensorry po, nauna ang daldal ko sa discord, di pala ako nakapagcomment hihi
Kundi kalang cute, di q tatanggapin ang pasensorry mo! 😅 Cute cute mo Toto! Nakaka inlab! 😍
grabe yung mga katapat ko mga tunay na lodi.
@chinitacharmern
@jazzhero
Yay! Maraming salamat bro! Ibang level ung husay ni Jazz sa round na ito, but I'd like to commend you as well for the very good write-up! Lodi ka rin! 👏
basta sulat lang .bahala na kalabasan. Di ko alam saan ko narinig yung ganung estilo. Yung iluluwa mo lang lahat ng laman ng isip mo. Tuloy-tuloy na pagsulat.
Sa English teacher mo siguro dati hahaha! Ganyan naman talaga sa creative writing, minsan ung pagiging perfectionist kasi natin naghihinder para lumabas ang mga creative juices ng brain natin.
Kaya yes, lalo na pag sa creative writing, like ganitong mga serye2x, ilabas lang lahat, at magtuloy2x na yan. And let's just keep our fingers crossed na magtuloy2x nga. hahaha
ok I will cross fingers and cross legs na rin ..pati cross my heart hope to die pa yung kapitbahay namin. nawa eh dumami pa tayo
hahaha! natawa ako dito bro! yes i cross na natin lahat ng pwedeng ma cross, and sulat lang ng sulat! hahaha.
hehehe tama
Habang binabasa ko yung karugtong, di ko napansin na nasa dulo na pala ako ng inuupuan ko, ang intense Maine! Naeexcite na tuloy ako sa clash... @tpkidkai, galingan natin pati na rin si boss @twotripleow... Pano kaya magaganap ang intense na hide and seek at yung intense battle, di na ako makapag hintay gusto ko na hilahin ang oras!
@jazzhero reference ftw!! Isa ding lodi tong si tropang @jazzhero eh... Ang ganda ng mga gawa ngayon, nakakawili, weekly na yata ako sasali, hahaha!
Salamat master! 😄 Nakakahiya kc if di mabigyan ng justice ung nasimulan mong kwento. At gusto q ung plot na naisip mo as a whole. Sabi q nga kay Jazz, gusto q na sana lagyan ng fight scenes, pro parang maxado pang maaga. Parang di rin tlga pwede i skip ang crime solving na part. At same here, excited na excited aq sa susunod na mangyayari! 😍
Si Jazz, lodi talaga yan. Pa simple lang pero halimaw sa galing!
Haha babalikan siguro ni boss TP kung sino ang babae ni inspektor. Bawal spoiler char. Buti hindi sinabi ni inspektor "kapoy work char lang! poor ta". Kasi mag-damag na nagiimbestiga. Saka dapat talaga mamatay mga nangangaliwa char!
Hahaha! Depende na tlga yan sa trip ni @tpkidkai. Pro sabi nga ni James, dapat may build up din talaga sa character ni Black Hood, ung history nya, at bakit xa pumapatay. Pro pwedeng sa huli n ma reveal un, at ikaw ang gagawa master. 😅 Ang gusto kong mabasa sa next muna eh ung hide and seek ng dalawa, at paano mapapatunayan ni Inspector kung tama ang hinala niya kung sino. Sana lumabas ang diferent tactics ng dalawa. May the smarter one wins!
At yes, dapat mamatay lahat ng nangangaliwa! 😅😂
P.S. i have a feeling na magiging comedy din ang katapusan nito gaya ng ginawa ni Jampol last week, matapos q mabsa ang tula mo!
Ah yes dapaat nating abangan ang susunod na kabanata ni TP, Huwag na pala tayo mag-spoiler baka magaling si Toto hehe. Kasi yang mga nangangaliwa na yan wala silang inisip kung hindi sarili lang nila di sa kanila importante ang nararamdaman ng iba hayop sila char!
Hahaha! Mga hayop nga talaga sila master! 😅 Yes, abangan nalang natin tlga ang susunod na kabanata.
Thanks for using steemph-antipolo tag @chinitacharmer, you got an upvote
Thanks steemph antipolo. 😍 More power!