Agam-agam ~ Orihinal na tula
May mga araw talaga
Na tila ika’y walang halaga
Ang isip ay tuliro
Ni hindi kahit mabiro
Ang tingin ay malayo
Sa langit ay nakatungo
Bagabag ang damdamin
Iniisip ay malalim
Sa’n nga ba nagkulang?
Lahat ng mali ay bilang..
Ano pa bang dapat gawin?
Sana nama’y unawain..
Kelan ba darating?
Himala na aking panalangin
Lahat nama’y pinag-iigting,
Agam-agam ko sana’y pawiin..
May mga panahon talaga na maiisip mo “ginagawa mo naman ang lahat ngunit di pa rin talaga sapat”...
Salamat sa pagbabasa ng aking orihinal na tula...
Ang larawan ay mula sa Google