Monday Short Stories & Poetry with @steemph

in #steemph6 years ago

image

"Taga-tawid"

Isang malamig na umaga na naman ang gumising kay Tonio. Hindi pa tumitigil ang malakas na buhos ng ulan kasabay ng pasumpong-sumpong na hagupit ng kidlat na tila ba lumalatay sa kadiliman ng langit. Basang-basa pa rin ang seradura ng kanilang bintana at namuo na ang hamog na tumatakip sa kanyang minamalas na karatig-nayon. Dati-rati ay matatanaw sa kanyang bintana ang kislap ng mga ilaw at nagtataasang istrukutura na sumisimbulo sa pag-unlad ng nayon. Subalit itong umagang ito ay bigo siyang masilayan ang nakasanayan.

Dali-dali siyang kumilos. Para sa kanya ay isang malaking oportunidad ang malakas na ulan. At malaking pera ang dala ng hanggang baywang na baha. Dumadalas ang pag-ulan ngayon kaya dumadalas din ang pasok ng pera sa kanyang bulsa. Mas maraming lugar na binaha, mas malaking adbentahe para sa kanya. Ah! Bahala na kung may masalanta. Ang tanging mithi niya ay ang magkalaman ang kumakalam na sikmura at makapagpundar para sa buntis na asawang naiiwan sa kanilang tahanan sa may burol.

Bumaba siya patungong nayon. Binagtas ang daang araw-araw niyang nilalakbay. Hindi alintana ang malakas na ulan at hangin. Mababasa naman talaga siya ng ulan. Iyon ang tumatatak sa kanyang isip. At sa trabaho niya, kailangang magpakabasa talaga siya sa ulan. May pagkakataong lumulusong pa siya sa baha. At paminsan-minsa'y nalulubog hanggang leeg kapag aksidenteng namali ng tapak.

Sapagkat siya ay isang taga-tawid. Sinasamatala nila ang baha at gumagawa ng pinagpatong-patong na kahoy para maging tulay na tatapakan ng mga gustong umiwas sa baha. Barya-barya lang ang kita pero daan-daan ang kustomer na naghihintay.

Ngayon, ating husgahan si Tonio. Mali ba na hilingin niya ang pagdating ng malakas na ulan at pagkakaroon ng baha? Mali ba na buhayin niya ang magiging pamilya sa ganitong paraan ng trabaho? Masisisi ba natin siya kung iyon ang ikinabubuhay niya?

"Another person's misfortune is another person's blessing!"



Pinagkuhanan ng Larawan

LUGAR NA NAIS MONG MAPUNTAHAN.

Napili ni @twotripleow ang Estados Unidos bilang lugar na nais niyang mapuntahan. Ayon pa sa kanya, maganda kasi ang pamamalakad sa naturang bansa, mataas ang sahod ng ordinaryong manggagawa, malaya kang gawin ang lahat, at higit sa lahat... malakas ang puwersa militar. Kaya naman sigurado siya sa napiling lugar na pinapangarap niya. Napakarami pa niyang binaggit na impormasyon kung saan mas mararamdaman mo ang kanyang pagkagusto sa naturang lugar at pati na rin ang ilang state nito na alam din niya ang kasaysayan.


Filipino Fiction : Tagalog Serye XI : Huling Bahagi ng Unang Pangkat | "Dinuguan" (super extra long overdue)

Sulit na sulit ang paghihintay dahil nasagot ni @czera lahat ng mga nakabimbin na katanungan at maluwalhating nairaos ang katapusan ng TagalogSerye na may temang Gore Horror. Pero kung hindi ka sanay na magbasa ng mga kwento na may ganitong tema, bibigyan muna kita ng babala. Hindi ito pambatang babasahin. At huwag ka din magbasa nito kapag katatapos mo lang kumain sa isang buffet-style na restaurant.


Katha sa Gabi: Unang Kabanata

May kasunod pa kaya ang hugot-style narration ni @itisokaye sa kanyang love story. Nagustuhan ko ang estilo ng kanyang pagkukuwento at napahanga din sa kanyang naisip na paraan. Punum-puno ng emosyon ang kanyang obra na para bang may pinatutungkulan. Base ba ito sa kanyang karanasan o dahil lang sa husay niyang magsulat? Mas mainam siguro na mabasa ninyo ang kanyang gawa para kayo na mismo ang humusga.

Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :

  • Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
  • Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
  • Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
  • Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
  • Ang mga posts hanggang sa ika-apat na araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 3days old)

Antabayanan ang iba pang pagtatampok :

DAYTOPICWRITER/CURATOR
SundayTravel@rye05
MondayShort Stories & Poetry@johnpd
TuesdayCommunity Competitions@romeskie
WednesdayFinance@webcoop
ThursdayCommunity Outreach@escuetapamela
FridayFood@iyanpol12
SaturdayArts & Crafts@olaivart

Sort:  

Maraming salamat @johnpd at @steemph sa pag-feature ng aking katha para sa Monday Short Stories and Poetry. Bilang maliit na isda sa karagatan ng steemit, isa itong malaking karangalan. :)