"WORD POETRY CHALLENGE #19: ULAN"

in #steemph6 years ago (edited)

"Sa ULAN ikay NAKITA, sa ULAN ikay NAWALA"

ni: Omar G. Navarra

Isang gabi,
Ako'y nagmumuni muni.
Walang magawa,
Hanggang luhay pumatak dahil naalala ang sakit na sa puso koy di mawala.

Kasabay ng luhang di tumitigil,
Ang pagbuhos ng ulang hindi mapigil.
Biglang naalala ang nangyari,
dahil sa bawat patak ng ulan ay may sinasabi.

Sakit at kurot ang kanilang pinaparamdam,
Bawat patak nilay ang sakit isipin pagmasdan.
Panghapdiing pangyayari sa ulan,
Pangyayaring tayo rin ay nagsimulang magmahalan.

Sa araw na umuulan at akoy walang makasama,
Nandiyaan ka kasama ang payong mong kulay krayola.
Sinabihan kita ng hindi ko kailangan ng kasama,
Ngunit sinagot mo ako ng napakakilig na "pero buhay koy kailangan ka".

Unang pagkikita,
Pero makatitig sa matay parang ang dami nang nagawa.
Pusoy tumitibok ng mabilis,
Na parang pagpitik niyay buhos ng ulang labis-labis.

Mga ilang taon ang lumipas,
Pagmamahalin natiy parang kumukupas. Parang malamig na patak ng ulan sa ating katawan,
Na unti unting mawawala at hindi na mararamdaman.

Bumalik tayo sa ating pinanggalingan,
Lugar na kung saan tayo ay may sinimulan.
Sinabi mong hindi mo na kaya,
Dahil may mainit na pusong naghihintay sa kanyang malamig na pusong pinaparamdam nya sa aking buhay.

Mundo koy nawalan ng kulay,
Na para bang langit na nasa masamang lagay.
Noon pusoy masaya at pinupuno ng pagmamahal pag ulan ay pumapatak,
Ngayon pusoy parang unti unting nalulunod at nawawasak.

MARAMING SALAMAT MGA KABABAYAN! SANA KAYO AY NA ANTIG SA TULANG AKING GINAWA

Sort:  

Congratulations @omargnavarra! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!