Paglalakbay Patungo Sa Dako Paroon / Lunes / Ang Bag Na May Dala-dalang Magandang Balita

in #steemitdora โ€ข 7 years ago (edited)

Ako'y tuwang-tuwa sa bagong paandar ni @steemitdora ngayon. ๐Ÿค— Kanina ko lamang nalaman ito nang magbukas ako ng discord channel ng #steemitdora at napansin ko ang mahusay na post ni @yennarido tungkol sa "Paglalakbay Patungo Sa Dako Paroon".ย 

Binasa ko ito at ako'y nasabik na ibahagi din ang aking mga karanasan sa aking paglalakbay sa iba't ibang lugar. Narito po ang unang araw nang aking paglalakbay patungo sa dako paroon.
ย 

Ang larawang ito ay kuha sa isang liblib na lugar sa Camarines Sur. Ako'y tuwang tuwa sa itsura nang lugar na ito. Mapayapa. Tahimik. Presko ang simoy ng hangin. Puno nang kulay berde ang kapaligiran. Maraming puno. Halamang damo. Mga bagay na di mo makikita sa Lungsod. Na imagine nyo ba? Ang sarap lang sa pakiramdam!
ย 

Bakit nga ba ako napadpad sa liblib na lugar ng Cam Sur? Ano nga ba ang ginagawa ko sa larawang iyan? Ano ba ang laman ng bag na nakayakap sa likod ko?

Isa ako sa mga Saksi ni Jehovah at kilala kami sa gawaing pangangaral nang mabuting balita tungkol sa kaharian ng Diyos. Nagbabahay bahay kami at nakikipag usap sa mga tao tungkol sa salita nang Diyos. Ang gawaing ito ay ginawa rin noon ni Jesu-Kristo at nais niyang patuloy na gawin ito ng kanyang mga alagad.
ย 

"At ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa at kung magkagayon ay darating ang wakas." - Mateo 24:14
ย 

Nagsusumikap po kaming sundin ang utos ni Jesus kaya yan po ang ginawa ko bago kunan ang larawang iyan.
ย 

Ano ba ang laman ng bag ko?
Syempre ito ay mga babasahin mula sa Bibliya.
May mga magasin, brochure, tracks, libro na libre pong ibinibigay namin sa mga taong interesadong basahin ito. Mga bagay na pinapahalagahan ko at gawaing mahal na mahal ko. ย 
ย 

Sa susunod na aking paglalakbay ibabahagi ko po sa inyo kung gaano kahalaga ang gawaing ito. Kung bakit sobrang mahal na mahal ko ang gawaing ito. Sa ngayon yan po muna ang unang bahagi nang aking paglalakbay sana po ay nagustohan ninyo. Kung may katanongan po kayo o komento pakisulat na lang po sa baba. ๐Ÿ˜‰

Kung gusto nyo pong makibahagi sa aming paglalakbay i-click lamang ito > Paglalakbay Patungo Sa Dako Paroon ย 

Maraming Salamat po kay @steemitdora sa napakamalikhaing isip nya kaya nagkaroon ako nang pagkakataong makibahagi dito.ย 

Kay @sunnylife na patuloy akong sinusuportahan maraming salamat sis. Isa kang tunay. Love you! ๐Ÿ˜˜

Sa pamilya ko sa @steemitserye ako'y labis na nagagalak sa inyong pagiging palakaibigan kaya feel at home ako. Pasensya na sa nakaraang araw na di ako active sobrang busy lang si Dora na walang bangs sa paglalakbay. ๐Ÿ˜‚ Mahal ko po kayo! ๐Ÿ˜˜


Sort: ย 

Congratulations @zhayie03 ! You received a 20% upvote from @kryptoniabot & @kryptonia.

Remember to receive votes from @kryptoniabot

Run a task on Kryptonia.
*For those who want to join the growing community, get your free account here Kryptonia Account
Use the tags KRYPTONIA or SUPERIORCOIN in your Steemit post for max vote.
Steemit reputation score above 25.

If you would like to delegate to the Kryptonia Upvote Project you can do so by clicking on the following links: 10SP , 50SP , 100SP , 500SP , 1000SP , 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Due to an increased amount of tasks, we have changed up the voting power to evenly spread out the Upvote amount.

Salamat sis..tayuy magsama-sama at sabay-sabay patungo sa dako pa roon..cheers..๐Ÿ˜€๐Ÿ‘

@zhayie03 masaya kaming lahat na bahagi ka na ng paglalakbay patungo sa dako pa roon. ๐Ÿ˜€ Isa kang mabuting ehemplo sa mga kabataan natin ngayon katulad ng ating minamahal na si Terry @surpassinggoogle. Nawa'y gabayan kayo sa mabuti niyong gawain. Sobrang puno ng aral ang laman ng bag niyo. Kahanga hanga ang isang tulad mo.
Maligayang paglalakbay! ๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€

Maraming salamat @steemitdora sa ganitong pagkakataon na binigay mo para maibahagi namin ang aming mga karanasan at maipakilala narin ang aming sarili . Maraming salamat po. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜

Nakakapanabik subaybayan ang mga paglalakbay ng ating kapwa manlalakbay. ๐Ÿ˜€
Maraming salamat din saiyo @zhayie03 ๐Ÿ˜€๐Ÿ˜˜

ay ganda:) grabeee gleng naman.
Magandag mensahe sis.
Mahal ka den namin
God bless sis.

Maraming Salamat sis @sunnylife. ๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜

Great post

This time, i didn't understand a word of it! Lol!
Have a nice day and until next time!
Kryptonia @nexit

Very nice.