Paikot-ikot Na Lang Akong Nanlulumo Sa Napakalaking Karagatan, Nasaan Si Harling Balna?
Heto ako, gumagala, wala nang mapuntahang makakainan. Inubos na sa tindahan ni aling Tilapia ng mga naglalakihang mga isda at iba pang mga kasama ng mga janitor fish ang mga pagkaing sana'y sa aming mga maliliit. Gutom yata sila. Sa ibang ibayo nagkakaubusan na rin ng mga makakainan. Um. Bakit nga ba?
Paikot-ikot ako ngayon dito sa lugar ko. Naghahanap ng pagkain. Tila paubos na rin yata. Wala na ang mga maliliit na kakainin namin kinain na rin ng mga malalaking isda. Samantalang sila may mga lugar na nakakaining eksklusibo sa kanila. Hindi kami parte sa kanilang mga piging. Lagi kaming nasa labas ng kanilang bakuran habang nagpipista sila doon. Ang daming pagkain pero kami ditong nasa labas para kaming mga gutom na batuhan ng pagkain. At iyang ibinato sa aming maliliit masama pa kung minsan ang loob nila. Nakapagtatakang sa napakalaking karagatang ito nauubos ang pagkain? Saang imbakan ba nila inilalagak ang mga iyon at halos lahat ng mga tulad naming maliliit ay umaangal na sa kawalan ng makukuhaan ng pagkain.
Nagtanong-tanong ako sa mga matatandang katulad ko ang ranggo sa karagatang ito. Ang sabi nila hindi na rin sila nakakain ng husto dahil na rin sa kakulangan ng makukuhaan ng pagkain. Hindi naman ito katulad nitong mga nakaraang taon na ang pagkain kahit saan sa buong karagatan ay nakakukuha ang lahat maging ang mga bagong salta sa lugar na ito ay pinakikinabangan ito. Pero nitong makalipas ang isang buwan may isang babaeng napadpad dito sa lugar namin na ang angking ganda'y nakahuhumaling, maganda, makintab ang mga kaliskis, maganda ang kanyang hagod ng katawan, at higit sa lahat kapag siya'y ngumingit lahat sila'y napapawow, maliban sa akin. Hindi ko binigyang pansin iyon, e, ano naman ngayon. Dayo lang iyan. At mula noon ay nabago na ang sistema dito sa aming nasasakupan ni haring Balna, isa siyang haring may kakaibang laki, tindig, tikas at kaanyuan. Tila nabighani siya sa babaeng dayo at naging araw-araw na ang kanilang pagbisita sa kanyang kaharian. Ipinapakita ni haring Balna ang lahat ng kanyang pagmamay-ari mula sa kung saan nakikita ng sino man ang laya ng kanyang tingin hanggang sa kanyang kinatatayuan.
Mula noon ay nagbago na ang lahat. Para nang unti-unti nangamamatay ang mga maliliit pa sa aking kapwa ko isda. Hindi na nila kinaya ang taggutom. Madalas ay halos araw-araw ay may namamatay na. Wala na rin kaming balita sa aming haring Balna. At ang kahariang iyon ay parang napapaligiran ng mga sundalong isdang hindi ko kilala. Bakit ganun? Ano'ng nangyari kay haring Balna? Wala na kaming balita hanggang ngayon. Swertihan na lang mabutahan ka ng pagkain kapag napagawi ka malapit sa kaharian na iyon. Pero ngayon paikot-ikot na lang ako sa karagtang ito at itinatanong kung ano na nangyari kay Haring Balna? Wala na bang halaga sa kanya ang kanyang nasasakupan?
Ilan pa kayang katulad kong maliliit ang matutulad sa mga isdang nangamatay na dahil sa kawalan ng pagkain at ang Haring Balna ay hindi na rin nagpapakita sa amin. Ang mga bantay lang ng kahariang iyon ang tanging nakikita ko at wala ng iba.
Nasaan na kaya ang aming Haring Balna? Buhay pa kaya siya?
San Mateo, Rizal
February 24, 2018
Our mentor @surpassinggoogle has been very supportive of our group (STEEMITDIVERSIFY) and other groups too. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Others that are good: @beanz, @teamsteem, @good-karma, @busy.org, @esteemapp, @hr1, @arcange @bayanihan, @acidyo, @anomadsoul, @steemitph, @henry-grant and @paradise-found, also the many others who have visited My posts. Pls. support them too. Thank you very much.
I am grateful for that and for everyone who has helped me and my friends.
napakamatalinghaga!!!
Hhhmmm...sad!