Lady Eagles have no room to rest

in #sportstalk5 years ago


Image Source: Link

Walang puwang ang pahinga para sa Ateneo de Manila University na nakatakdang depensahan ang titulo sa UAAP Season 82 women ’s volleyball tournament.

Matapos kanselahin ang mga UAAP events kabilang ang volleyball tuluy-tuloy lang ang ensayo ng Lady Eagles para tutukan ang mga “weak points” nito.

Sesentro ang Ateneo sa reception na pangunahing kailangan para makagawa ng solidong plays partikular na sa mga middle hitters.

Magiging armas din ng Lady Eagles ang teamwork.

"Importante na may teamwork dahil doon iikot ang laro. Kapag walang reception, gagawan ng paraan ng setter. Kapag pangit ang set, gagawan ng paraan ng spiker. It ’s a cycle," ani Ateneo mentor Oliver Almadro.

Floor defense ang pangunahing naging sakit ng ulo ng Ateneo noong Season 81.

Ngunit agad itong nasolusyunan ng Lady Eagles na nagresulta sa kanilang kampeonato.

Kaya naman umaasa si Almadro na mas magiging solido ang galaw ng kanyang bataan bago sumalang sa liga.

Malaking kawalan sina middle blockers Bea De Leon at Maddie Madayag para sa Lady Eagles.

Subalit ilang key pla­yers ang pumasok sa koponan para mas maging mabagsik ang tropa.

Isa na rito si open spiker Jho Maraguinot na nagdesisyon gamitin ang kanyang final playing year.

Nagbalik din si Jamie Lavitoria na tunay na nahasa ang setting ability sa paglalaro sa commercial league.

Nasilayan sa aksiyon sina Maraguinot at Lavitoria sa Philippine Superliga.

Naglaro para sa Sta. Lucia si Maraguinot habang playmaker ng Generika-Ayala si Lavitoria.

Isa pang inaabangan ang pagpasok ni super rookie Faith Nisperos na galing sa National University high school team.

highest.gif