SPOKEN POETRY.. (para sa mga taong pinangakoan sa wala)

in #spokenpoetry6 years ago

breakup.jpg

"Ang ka-IBIGAN kong naging KAIBIGAN"

Lahat ng relasyon ay dumaan sa pagsubok.
Pagsubok na akala ko sobra.
Pagsubok na akala ko di ko kaya, pero MALI.
Mali ang aking akala dahil nalagpasin nating dalawa.
Kapit-kamay nating hinarap lahat ng sakuna na mahihiwalay sating dalawa.
Ang tatag natin di ba?
Ang tatag natin 'pag magkasama.
Pero BAKIT?
Bakit nag-iba ka?
Bakit sumuko ka?
May kulang ba?
May iba ba?
O relihiyon ko ba? Kung relihiyon ko man, bakit ngayon lang?
Anim na taon na tayong nagsasama, bakit ngayon pa?
Relihiyon ko lang ba talaga?
Kasi kung relihiyon lang ang iyong dahilan, sana di nalang natin 'to sinimulan.
Sa umpisa pa lang alam mo na ang ating kaibahan.
Nangako ka pa nga di ba?
Nangako ka na hindi ito magiging hadlang sa ating pagmamahalan.
Nangako ka na hindi ito ang magiging dahilan sa ating hiwalayan.
Pero heto, heto tayo. Wasak dahil sa relihiyon ko.
Nasaan na yong pangako mo?
Nasaan na yong mga salita mo na pinanghahawakan ko at pinaniniwalaan ko?
Naglaho na 'no?
Naglaho, kasama mo.


Hay! Buhay nga naman.
Ilang taon na ang lumipas pero di ka pa rin kumupas.
Pagsusumamo ko sayo'y wala pa ring wakas.
Hinahangad ko pa rin na sana makasama kita bukas at sa susunod pang bukas.
Pero syempre malabo na yon at kuntento na ako sa ano mang meron tayo ngayon.
Kaya SALAMAT! :)
Salamat at bumalik ka.
Salamat at winakasan mo ang aking pangungulila.
Salamat at muli mo akong pinasaya.
Di man tayo tulad ng dati, pero di ko ma 'wari ang aking tuwa.
Masaya akong muli kang nakasama.
Masaya akong maging KAIBIGAN ka!




Lahat ng aking gawa ay base sa totoong buhay. Nawa'y nakapagbigay ito ng kunting saya sa lahat ng nakararanas o yong mga taong mag kaugnayan sa aking naranasan. :) Maraming salamat!

 photo credit to https://www.google.com/search?q=breakup+pic&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=qVg1NUIiOmPlLM%253A%252CPjJtUKg2yBkyTM%252C_&usg=AI4_-kR6ddneEDkf1oc_7IamWnLP8QTyng&sa=X&ved=2ahUKEwjF8Iz0rc7fAhVFfrwKHcPfBhgQ9QEwCnoECAMQGA#imgrc=Qr7WEMW5-cGp1M:
Sort:  

Thank you so much for sharing this amazing post with us!

Have you heard about Partiko? It’s a really convenient mobile app for Steem! With Partiko, you can easily see what’s going on in the Steem community, make posts and comments (no beneficiary cut forever!), and always stayed connected with your followers via push notification!

Partiko also rewards you with Partiko Points (3000 Partiko Point bonus when you first use it!), and Partiko Points can be converted into Steem tokens. You can earn Partiko Points easily by making posts and comments using Partiko.

We also noticed that your Steem Power is low. We will be very happy to delegate 15 Steem Power to you once you have made a post using Partiko! With more Steem Power, you can make more posts and comments, and earn more rewards!

If that all sounds interesting, you can:

Thank you so much for reading this message!

Congratulations @nuvie! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

You can upvote this notification to help all Steem users. Learn how here!