"Ang Iyong Ina" : A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago (edited)

images (69).jpg

Sa simula sya na ang nag'aruga
pinapatulog at kinakantahan ka
pinapakain kahit walang pera
nangungutang para may pang-aral ka
ihahatid kahit may trabaho pa
susundo kahit bumabagyo na
basang basa ngunit uunahin ka
magluluto't ipaghahain ka.

dumating ang panahon na lumaki kana
at nakilala ang iyung mga barkada
nanigarilyo at umiinom ka
kahit ayaw ng iyung ina
sinuway mo at lumaban kapa
umalis ng bahay at naglakwatsya
sinubokan na magdroga
pagkagising babae ang kasama
at bumalik ka sa iyong ina
nakitang nakahiga sa kama
umiiyak na lumapit ka
gusto nyang ilapit ang iyung tenga
at sinabi nya "Anak mahal kita"
dahan-dahang isinara...
... ang kanyang mga mata.

mahalin mo ang iyung ina at sabihin mong mahal mo sya. dahil nasa kanya ang true love na matagal mo ng di nakita.

wag hintayin na sa huli pa na magsisi ka dapat ngayon na.

images (12).png

Maraming Salamat sa Pagbasa =)