Word Poetry (Tagalog) : Babaeng Gitarista
"Babaeng Gitarista"
Siya ay sobrang ganda
At napakabait pa nya
Marunong siyang mag-gitara
At magaling siyang kumanta
Kapag ikaw ay makikinig
Sa kanyang himig
Ng napakagandang tinig
Ay talagang ika'y makikilig
Siya ay kilala ng karamihan
Hindi lang dahil sa kanyang kagandahan
Kundi pati rin dahil sa kanyang kagalingan
Sa pagkanta at pati sa biritan
Siya ay aking iniidolo
Hindi dahil siya'y gusto ko
Sapagkat siya ang babaeng pangarap ko
Dahil siya ay talagang perpekto
Halos lahat ng kanyang kinanta
Gumigitara man o wala
Ay napanuod ko na ata
Sa kanyang mga social media
Kapag ang bibig na nya ay bumuka
At nagsisimula ng kumanta
Ay parang anghel ang aking nakikita
Na bumaba dito sa lupa
Ngiti nya'y singtamis ng manggang kulay dilaw
Ngiti nya'y pag iyong tinatanaw
Ay para kang matutunaw
Ngiti nya'y nagkokompleto sa aking araw
Kapag ako'y nag-gigitara
Iniisip ko na siya'y aking hinarana
At minsan sa tabi ko siya ang kumanta
Pero sana sa isang kantahan siya ay aking makasama
Para siya'y makita ko ng personalan
At siya ay aking maharanahan
Na kahit sa sentonado kong boses ay kanyang mapakinggan
Ang paghanga na aking nararamdaman
Isang lalaking gitarista
Na walang talento sa pagkanta
Na pinapangarap ang isang babaeng gitarista
Na may angking galing sa pagkanta
Pero pagpasensyahan mo na o binibini
Na ang tulang ito ay sayo nakabase
Sapagkat ikaw ay aking hinahangaan
At sana ito'y iyong magustohan
Nawa'y nagustohan nyo ang aking ginawang tula na tungkol sa babaeng aking iniidolo dahil sa kanyang kagalingan sa pagkanta at sa kanyang kagandahan. Sana rin ay mabasa niya ito kasi gusto ko talagang makipagjam sa kanya sa kantahan. Maari niyo pong tingnan ang kanyang mga kinanta dito. Maraming sa paglaan ng oras sa pagbasa ng aking tula at mabuhay ang tulang tagalog.
Sana'y suportahin niyo rin po ang aking nakaraang tula na tungkol sa Puso laban sa Pera
Thanks and Godbless
@jumargachomiano
Sana nga pu magustuhan ka ni ate girl. Ibig ko pu sabihin, sana nga pu magustuhan ni ate girl ang tula mo para sa kanya.
Hahaha sana nga @lingling-ph. Sana nga
Nasa Steemit na ba? Tag mo na hehehe. Salamat sa Tula mo para sa babaeng iniidolo mo.Ganda nga niya.
Wala dito kabayan hahaha at salamat din kabayan. Click mo yong nasa itaas na link mapapanuod mo ang mga video niya sa youtube.
Hello i have created a post
Please see the post
https://steemit.com/life/@shafe/how-to-reform-an-old-speaker