"Kahalagahan" - Unspoken Words by garnan1111

in #poetry7 years ago (edited)

Kahalagahan

May mga bagay talaga tayong pinahahalagahan sa mundo , mga bagay na ayaw nating pakawalan at mga bagay na ating pinag-iingatan. May mga tao talagang hindi natin kayang saktan, mga taong ating ginagabayan, mga taong palagi nating pinagmamasdan at mga taong hindi mawala sa ating isipan. Pero kahit ano pa ang iyong ipinapakitang kabutihan may mga tao pading palagi kang sinasaktan, mga taong ilalagay ka sa kapahamakan, mga taong lagi kang pinapabayaan at mga taong pilit kanang kinakalimutan. Kahit ganun paman ay patuloy ka paring nagpapakita ng kabutihan kahit ikaw na ay tuluyang nasasaktan, pilit ng ibingit ang sarili sa kamatayan, at ilagay ang sarili sa kapahamakan para lang maipakita parin ang mabuting kalooban. Kaya't palagi mo itong tatandaan na ang ang bawat buhay ng tao ay may kahalagahan sa mundo kaya wag mong gawin ang kanilang gusto sapagkat gawin mo ang sayo. Wag mong gawin ang sarili mo na kaawa-awa dahil kung iyong inu-unawa naging mabuti ka sa bawat kapwa kaya't wag mong ibigay ang lahat sa mga taong hindi naman karapatdapat dahil ito lang ay magdudulot ng isang malaking sugat na nag ugat na hindi mo na binibigyan ng kahalagahan ang iyong sariling pamagat. Wag mong kalimutan na ikaw ay mahalaga, at hindi mo lang alam na may mga taong gusto kang makasama, gusto kang sumaya't lumigaya kaya't wag mawalan ng pag-asa dahil may pinto paring bukas para malaman mo na ikaw ay may mabigat na HALAGA!

Ang unspoken words na katha ko ay para ito sa mga taong hindi na binibigyan ng halaga ang kanilang sarili dahil na alipin na ito sa kagustuhan ng iba, nawawalan na ng pag-asa at nakalimutan na ang sarili nilang halaga.

Some of my Filipino Own Poetry

https://steemit.com/poetry/@garnan1111/hindi-naka-move-on-a-filipino-own-poetry

https://steemit.com/poetry/@garnan1111/aking-diwata-a-filipino-own-poetry

https://steemit.com/poetry/@garnan1111/hanggang-sa-dulo-ng-walang-hanggan-a-filipino-own-poetry

Sort:  

You need up vote ?

Upvote on my 1 post daily and i will do same for you agree ?

Yeah sure dude :)

Sorry dear your did not yet.. Upvote on my post i will do same

Done dude :)

Upvoted back