KABATAAN PAG-ASA NG BAYAN?

in #poetry7 years ago


Mga kabataan daw ang pag-asa ng bayan
Ayon kay Rizal na martir ng sambayanan
Nasaan ang sinasabing pag-asa ng bayan
Kung sa panahon ngayon sila'y naligaw ng kapalaran.

Masdan mo ngayon ang mga kabataan
Pati kababaihan ang lalakas sa inuman
Marami ang sakanila'y napapariwara ng kapalaran
Pansin mo ba ang pagbabago ng mga kabataan?

Saan nga ba patutungo ang salitang namutawi
S isang tulang isinulat ng ating bayani
Sa bisyo sila'y nalulong, ang iba'y nawawala sa sarili
Pag-asa nga ba ng bayan, totoo nga ba o hindi?

Ano na nga ba ang nangyayari sa ating bayan?
Puro na lang kaguluhan, nasaan na ang kapayapaan?
Simple lang ang kasagutan sa mga katungang iyan
Halina't ating tulungan kapwa natin kabataan

Wag tayong maging pipi o magbulag bulagan
Kumilos ka at ating paunlarin ating bayan
Sapagkat kabataan ang pasa-asa ng bayan
Kung gagabayan ito ng tama sa kasalukuyan.

Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
You can also give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Please support his project as well, which is @teardrops Smart Media Token

Photo: Google Image