Tagalog Poem #5 || Libre Lang Ang Mangarap #PHILIPPINES

in #poetry6 years ago (edited)

Ang ating pangarap kay hirap abutin
Pero walang impossible kung tayo'y masipag din
Lahat ay gagawin
Para matupad ang inaasam na mithiin

Kung ako'y inyong tatanungin
Gusto ko maging artista katulad ni Angel Locsin
Pero sa kasamaang palad naman
Ako'y hindi ipinagpala ng kagandahan at kanyang kagalingan

Kaya ako'y nangibang landas
Sa lahat ba naman ng aking problemang dinaranas
Gusto ko makamit ang isang tunay na kaligayahan
Dahil diyan masasabi ko na ako'y matagumpay man

Sa lahat ng kabataang nangangarap sa buhay
Palaging maging positibo katulad ng bahaghari na makulay
Dahil sa kabila man ng bagyo at ulan
May naghihintay na tagumpay magpakailanman


Libre Lang Ang Mangarap
by: @abichan

images-67.jpg

This poem is dedicated to all people who are having tough times in achieving their dreams. Just always remember that there are always a rainbow after the rain. It simply means that no matter what, if you have the courage and faith in God, in His glory and name, you can achieve your dreams.

That's all for today,
Keep on steeming folks! ❤