#1-POETRY MONDAY. "Mga bagay na nakakapagod, mga masasakit NA Salita"

in #poem7 years ago (edited)

intro.jpg

"MGA BAGAY NA NAKAKAPAGOD, MGA MASASAKIT NA SALITA"

Sobrang habang pila bago bumyahe,
Nakakainip na pangyayari.
Walang humpay na pagtayo sa pila,
Nakakangawit talaga.

Naabutan ka ng traffic na ang sitwasyon mo sa loob ng jeep ay hindi maganda.
Pagkakaupo mong ikamamatay mo na.
Siyaman ang laman ng jeep pero pang sampu ka.
Kung parati nalang ganto,Nakakapagod din diba

Pero ano ba ang mas nakakapagod
Ang bumyahe araw araw na ganito ang sitwasyon
O ang mahalin siya kahit hindi ka sigurado sa kanyang tugon.

Buong pera na binayad mo na hindi nasuklian,
Wala nang mas sasakit pa d'yan.
Pamasahe mo pa sana 'yun kinabukasan pero mukhang "123" ka nalang.
Parati nalang bang ganto?
Sana kahit kaunti masuklian ang ibinigay ko.

Parang sa pagibig, oo may kinalaman to sa pagibig.
Na sana masuklian mo naman yung pagmamahal na ibinigay ko.
Na sana kahit simpleng tugon mo ay malaman ko.
Na may pag asa rin ako sayo.

Paguwi mo ng bahay sermon na naman ang maririnig mo.
"Na bakit ka ginabi, ano gumala ka nanaman? Pumunta ka na naman sa mga kabarkada mo?"
Mas maganda sana kung tinanong ka nila kung bakit ginabi na ang uwi mo.
Sana inalam nila kung kamusta yung araw mo
Hindi yung sermon kaagad yung aabutin mo pagbukas mo ng pinto niyo.
Kaya minsan mas maganda pang umuwi ng umaga kesa ng maaga.
Pero ano nga ba talaga yung mga salitang nakakarindi?
Yung mga sermon na inaabot mo o yung mga salitang naririnig mo galing sa kanya?
Na kahit kailan wala na talagang pagasa...
Na hindi kayo para sa isat isa...
Na hindi ka niya talaga gusto...
Gustong maging kayo.

Kaya sa paulit ulit na pangyayari sa ating buhay.
Mas pinipili ng iba na...
Na mapagod at mangawit sa mahabang pila.
Na hindi masuklian sa araw araw na pagsakay nila.
At makarinig ng sermon galing sa kanilang pamilya.
Siguro dahil mas sanay sila sa panandaliang sakit.
Mas sanay silang tiisin ito kesa sa pananakit ng kanilang mahal.
Minahal nila pero kahit kelan hindi sila minahal.
Mas nakakapagod kasing intindihin yung malalamig mong pakikitungo.
Kaya mas gugustuhin ko nalang na mapagod sa pagtayo.
Mas masakit kasi na kahit kailan hindi mo masusuklian yung pagmamahal na ibinigay ko,
Kaya mas kakayanin ko pa na hindi masuklian yung perang buo na binayad ko.
Masyadong nakakarindi yung mga salitang binitiwan mo
Na kahit kelan malabong maging tayo.
Kaya mas pipiliin ko nalang yung mga sermon ng magulang ko.
Sa sobrang pangit ng mga pangyayari napapatanong nalang ako.
"Bakit ba sa mundong 'to...
May mga bagay na nakakapagod, mga bagay na masasakit"

community.jpg

Sort:  

Congratulations @steemph.bukidnon! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!