Buhay sa Saudi 6 : Ngayong Marami ng Nagbago
Karamihan sa ating mga kababayan dito sa Saudi, araw ng biyernes ang pahinga. Kaya heto rin ang araw na magkakasama kaming gumala ng mga kaibigan ko. Kung sa dating trabaho ko ay hindi ako makalabas ng bahay, dito naman basta walang trabaho ay pwedeng lumabas. Uso na ang 'uber' dito.Bongga na diba? Pero mas pinili namin ang maglakad para kunwari ay exercise pero ang totoo ay nagtitipid kami. Kaya kahit bente minutos na lakaran, ayos lang. Kapag puro naman tawanan at chikahan hindi na namin namamalayan, nasa padalahan na pala kami.
Oh diba, kung sa noong buhay ko sa saudi ay takip na takip ang mukha ko. Ngayon naman ay pwede ng makita ang mukha.
Ilang minuto nalang ay magsasalah(dasal nila) nanaman sila. Magsasara lahat ng tindahan,kainan at padalahan. Trenta minutos ang itinatagal ng bawat dasal nila. Kaya pinili namin ang oras na iyon para maglakad ulit papunta naman sa mall. Tatawid kami sa main highway tapos sa ilalim ng overpass.
Kitang-kita dito na kami lang ang naglalakad. Hayun ang mall sa kabila ng overpass.
Kung noon ay hindi man lang kami makakain sa labas. Ngayon marami ng restaurant ang may family section. Kaya pwede na ang mga babaeng kumain sa loob. Pero mas pinili namin magtake out at kumain sa park. Malamig kasi sa buwan ng Disyembre hanggang Marso kaya masarap magpicnic. Sa totoo lang, hindi ko pa naranasan magpicnic.
Nasanay na ngayon na kahit gutom na gutom na ay magseselfie muna. Hahaha . Sa ngalan lang ng litrato, kahit lumamig na ang kape.
Naglakad, nagtakeout, nagpicnic tapos nagselfie diyan natatapos ang aming day off. Napakasimple ng mamuhay dito ng mga pilipino. Pero masasabi ko na ngayong marami ng nagbago, marami ng pwedeng gawin.
Di ba,bongga! May uber na. Uwi na muna kami ha.
Photos are all mine taken with my huawei p9 lite phone.
Natuwa ako dun sa uber. lately ko lang din nalaman na may uber pala. :) Sa Al Karj!
Mas mura at mas safe nga ang Uber kesa sa Taxi. Mabango pa yung mga sasakyan tas mostly mga bago.
Glad you're enjoying your stay sa saudi kahit limited lang yung place na napupuntahan mo.
Pabanguhan sila ng sasakyan.may libreng tissue at water pa yung iba.. Nakakatuwa na kasi mas open na ng kaunti kahit papaano..🤗
Haha seryoso? may free water? petmalu mga nag uuber dyan a. free ride lang na try ko nung di gumana gps nung sinanyan ko. i ended up showing him the way around. :)
lovely
Thank you..🤗
Ang taxi baka kung saan kayo dalhin noh
Mas safe uber po dito kasi nakikita sa GPS.. Kaya hindi kami ngtataxi more on Uber. Mas mura pa.
Oh ok..wala namang disyerto kayang pangdadalhan sa inyo noh?
within the city po kami kaya puro establishment. Wala masyado disyerto dito unlike sa dsti kong work na mas marming disyerto.
Ah ok..thats good.
Missyou ate!!! Ingat lagi dyan! 😘
Imissyou more ate.. Sana magkita na tayo,tapos sabay tayo magsteemit😘
Mukhang nageenjoy kanapo. :) ingat po lagi
opo.. With the help of my friends😁. Ingat di kayo palagi..