😇BAKA KAILANGAN MO MUNANG HUMINTO SAGLIT😇

in #pilipinas6 years ago

FB_IMG_1529925137159.jpg

"Sabi nung isa, “Buti pa siya ang ganda ng trabaho sa abroad samantalang ako andito pa rin sa Pinas.”

Sabi naman nung isa, “Buti pa siya magkakasama sila ng pamilya niya sa Pinas samantalang ako mag-isa lang dito sa abroad.”

Sabi nung isa, “Buti pa siya may asawa at mga anak na.”

Sabi naman nung isa, “Buti pa siya, ang sarap ng buhay pa-travel travel na lang. Single kasi.”

Sabi nung isa, “Buti pa siya may lovelife. Samantalang ako 29 na single pa din.”

Sabi naman nung isa, “Buti pa siya single. May time pa rin magwalwal kasama ang tropa niya.”

Sabi nung isa, “Gusto ko na magresign. Ang kupal ng bisor ko!”

Sabi naman nung isa, “Buti pa siya may trabaho.”

Sabi nung isa, “Kainis. Ang bobo ko talaga. Isa na lang mapeperfect ko na yung exam.”

Sabi naman nung isa, “Pakshet. Isang point na lang nakaabot sana ako sa passing score.”

Sabi nung isa, “Buti pa siya busy sa negosyo. Siguro ang yaman na niya.”

Sabi naman nung isa, “Buti pa siya may peace of mind, pa-Netflix Netflix na lang samantalang ako stressed sa negosyo.”

—-

Sabi nung isa, “Buti pa siya masaya.”

Sabi naman nung isa, “Buti pa siya mas masaya.”

—-

Gets mo? Minsan, yung mga bagay na inirereklamo mo ngayon, hindi mo alam matagal na palang pinapangarap ng iba.

Sa lahat ng sitwasyon palagi tayong may makikitang kulang. Palagi nating makikita kung ano ang wala tayo kaya pakiramdam natin hindi pa rin sapat. Kasi mali yung konsepto natin kung paano maging masaya. Ang ginagawa nating basehan ng kaligayahan ay ang kaligayahang nakikita natin sa iba. Kaya ang ending, instead of actually finding happiness, you find disappointment.

Hindi masamang mangarap na “Sana, we could have the best of both worlds.” Wag nga daw tumigil mangarap di ba. “Don’t settle for something less than you deserve” nga daw. Pero minsan sa sobrang focused natin in “The Pursuit of Happiness” nakakalimutan na nating maging masaya right at the moment.

Siguro, baka kelangan muna nating huminto saglit at namnamin pansamantala ang mga bagay na meron tayo para marealize nating wala yan sa taas o sa baba ng pangarap o sa layo ng narating mo. Dahil minsan, mas masaya pa yung simpleng mekaniko sa trabaho niya kesa dun sa Mechanical Engineer na naka-based sa Doha. Dahil minsan, mas masaya pa yung dalawang magjowang tambay lang sa tindahan na may inner peace habang humihigop ng milktea kesa dun sa magjowang nag 3days-2nights sa Bali.

At the end of the day, it’s about being grateful with what you have kahit nasaang sitwasyon ka pa; Unli-Samgyeopsal ma yan o bente pesos na kwek-kwek lang sa kanto, Tahitian Vanilla Macchiatto man yan o limang pisong palamig na puro sago.

Malay mo, dun pa rin pala tayo sasaya sa mga simpleng bagay na meron na tayo dati pa. ‘Coz where we are depends on how we look at things.

Blessed ka pa rin."

Sort:  

Hi! I am a robot. I just upvoted you! I found similar content that readers might be interested in:
https://www.tumblr.com/search/israelmekaniko

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by lhey18 from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.