POEM by jb 04 2018: "PIGHATI SA AKING PUSO"

in #pilipinas7 years ago (edited)

30740101_1890206637733689_7542502075502952448_o.jpg

"PIGHATI SA AKING PUSO"

Ako ngayo’y nag-iisa sa kawalan
at sa aking isipan ikay pilit nililimot
pagpapahalaga mo’y nandirito pa rin sa aking puso’t isipan
namamangha kung bakit ang aking buhay
ay parang ‘di makatarungan…

Hanggang ngayo’y aking nagugunita
mga ala-alang iniwan mo
sa saya at ‘yong mga halakhak,
sa ating pagsasamahang iningatan
at ngayo’y di makapaniwala
ika’y lumayo…

Kinakausap ang sarili ng walang
mahanap na dahilan
hinahanap kung bakit napunta
ang lahat sa wala
mga luhang pumapatak sa pisngi
na pilit kong pinipigilan,

At sa aki’y di malaman
kung ako’y magpapatuloy sa agos ng buhay,
kung ako’y mananatili sa aking kinakatayuan?
dahil sa mga pangakong iyong sinambit,
ako’y lalaban at di susuko
kahit ika’y wala na…

by @jhunbaniqued

Photo Source: Mine - my friend Ghino

Location: Nalvo Sur, Luna, La Union

Please support @surpassinggoogle as a witness, Please vote him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

Photo credits to @sunnylife)

(©️ @bloghound )

Sort:  

Nice one sir June. Tula pa more. labas na mga hugot hehehe

Heavy naman yan jhun

God bless you my friend!!

awwww may hugot din sir june go go go :-)