Filipino Poetry : Higpitan ang Hawak

in #philippines7 years ago (edited)

CEF6422E-52FA-4A45-A2F4-8B9FA6EE54FF.jpeg

Higpitan ang Hawak


Lahat ay karugtong ng Panginoon
Kanyang kadakilaan ay pinagsaluhan
Sapagkat ikaw at ako ay bahagi
Kawangis ay luwalhati

Siya ang puno, tayo ay ang sanga
Kung sa tuwina siya ang kasama
Tiyak tayo ay hitik ang bunga
Ang buhay ay sa Kanya nagsimula

Higpitan ang hawak sa kamay
Upang sa Kanya’y hindi mawalay
Pag-ibig ang tanging magbubuklod
Sa pagkakasala katumbas ay pagluhod

Ngunit bakit ba bumitaw sa kapit?
Kay hirap tanggapin ang sakit
Dulot ng pagtalikod at paglisan
Sa paraisong naging tahanan

Ang pagbalik ay sana’y maisipan
Naghihintay lang ang kanlungan
Tanging Siya lang ang kailangan
Sa buhay natin kailanman


@christianyocte

Image Source

Sort:  

If you want me to upvote and resteem your post to my 36,000+ followers for free click here: https://steemit.com/free/@a-0-0/4uvgsy

Unsaon jud nang tagalog ba, lisura jud ug himo nga poetry in tagalog. God bless you even more@christianyocte ^^

Boot boot ra na. Mao na akong sunday reflection... jahaha

Nindut sya! I seldom go to church ^^ Does that make me a bad creature? :D

Depende na @julsmlz oi. Di sad guarantee nga maayo ko kay pirme kos simbahan.

Amen po, laging nariyan lang Siya para sa atin. Minsan sa dami ng unos na kinakaharap at pagkabigo tumatalikod tayo sa kaniya.

Mas lalo sanang tayong kumapit kung nangyayari iyan

Loading...