Pag-ibig Nga Ba?

in #pag-ibig6 years ago

Hindi ko ito madalas pag-usapan kahit na ito ang laging topic ng mga kabataan. Ang gusto ko pag-usapan ay tungkol sa politika at ekonomiya pero parang bigla akong nadadala na magsulat tungkol sa pag-ibig. Siguro naman ay may masusulat ako rito, lahat naman tayo alam ito, alam pero hindi lubusang naiintindihan. Kaya natin ito ipaliwanag pero kaya ba natin ipakita? Kung napapakita mo ito, paano mo masasabi na pag-ibig ang nadadama? Ang mga iyon ang aking mga katanungan sa aking sarili.

Para sa akin, Ang pag-ibig ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay. Ang pag-ibig ang nagpapanatili sa atin upang maging tao. Kung hindi ka marunong magmahal, hindi ka tao dahil walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, ika nga, at kahit ang hayop ay marunong din magmahal kaya ano ka? Naniniwala ako na walang pinipili ang pagmamahal. Kahit anong kasarian, kriminal, politiko, bata at iba pa ay may karapatang umibig at ibigin. Hindi lang para sa mga mag jowa ang pag-ibig, pang kaibigan at pamilya rin ito. Pag-ibig din ang dahilan ng pagtigil ng oras tuwing siya'y nakatitig, pagliwanag ng kalangitan kapag siya'y ngumiti at pagdurog ng aking puso kapag nalulungkot ang aking kalawakan. Maraming kahulugan ang pag-ibig ngunit hindi naman kailangan gawing komplekado dahil gaya nga ng sinulat ko, lahat ng tao ay marunong umibig.


Ang pinagka-iba nito sa "gusto" at mahal, kapag gusto mo ang bulaklak, pipitasin mo ito, kapag mahal mo ito, didiligan mo ito. Opinyon ko sa mga nanliligaw o mga kabataang umiibig katulad ko ay huwag mamilit. Hindi dahil kinahuhumalingan mo siya mahal mo na siya. Ang pagnanais para lamang sa kasiyahan ng sarili ay hindi pagmamahal. Kung mahal mo ang isang tao, iintindihin mo siya, aalagaan mo siya, magpapakumbaba ka at pipiliin mo ang ikaliligaya niya kahit hindi ka nito piliin o ipagpalit ka sa mga mapuputing koryanong sumasayaw at kumakanta na madalas na pinapanood.

Kung papaiksiin natin lahat, ang pag-ibig ay hindi komplikado at lahat ng tao marunong nito minsan ay hindi lang natin napapakita o pinangungunahan tayo ng takot. Maraming klase ng pag-ibig. Sa palagay ko hindi mawawala ang pagrespeto, pag-aalaga at pagpapakumbaba sa tunay na pag-ibig. Ito ay nahahalintulad sa bulaklak kung aalagaan o pipitasin. Napapakita sa gawa at hindi lang puro salita. Nagpapatakbo sa kabutihan at magpapatuloy hanggang sa wakas ang tunay na pag-ibig.
Sort:  

Congratulations @vlaaad! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Do not miss the last post from @steemitboard:

SteemitBoard - Witness Update
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!