(Tagalog Spoken Poetry): IBINIGAY KO NA LAHAT PERO HINDI PARIN SAPAT

in #pag-ibig7 years ago

kate 2.jpg
Image source: sometag.com

Laban o paalam
Nandito ako sa punto ng buhay ko,
Kung saan naiisip ko ng sumuko,
Pagkatgulong-gulo na ang aking isipan,
Kung ipaglalaban pa ba kita o tuluyang kakalimutan,
Gusto ko pa sanang lumaban.

kate 1.jpg
Image source: tumblr.com

Pero pagod na ang aking isipan,
Sapagkat maraming umiikot na katanungan,
Kagaya ng bakit bigla mo na lang ako iniwan ,
Oo mahal na mahal kita,
Pero bakit mo ako laging sinasaktan,
Akala ko ba mahal mo rin ako,
Pero bakit mo dinudurog ang aking puso,
Ano bang nagawa ko?
Para saktan at pahirapan mo ako ng ganito,
Ginawa ko naman lahat ng gusto mo,
Pero bakit di pa rin ito sapat para sayo?
Naalala ko nung tayo ay bago pa,
Bawat segundo mo akong pinapatawa,
Pero nawala ng parang bula,
mga ngiti sa labi ko bigla nalang nawala,
Bigla ka na lang nawala,

Sabi ng puso ko na laban pa,
Sabi naman ng isip ko tama na,
Alin ba ang dapat kong paniwalaan?
Bakit di magkatugma ang sinasabi ng puso ko't isipan?
Gusto ko maghanap ng dahilan para ipaglaban ka,
Dahil sabi ng puso ko mahal pa rin kita.

jane 1.png
Image source: tagalog-love-quotes-collection.blogspot.com

Gusto ko sanang sumugal pa,
Kahit ako'y luging-lugi na,
Gusto ko pa sanang lumaban,
Pero ikaw na pinaglaban ko tuluyan na kong iniwan,
Gusto ko pa sanang lumaban,
Pero ikaw na minahal ko tuluyan na kong sinukuan,
Hindi ko rin alam kung magpapaalam na ba ,
Dahil sa totoo lang mahal na mahal pa rin kita,
Hindi ko alam kung tama bang sumuko na rin ko,
Kasi kahit ikaw, mas pinili nang lumayo,
Nandito ako sa punto ng buhay koga sitwasyong nagpapahirap sa sarili ko ,
Lalaban pa ba o magpapaalam na?
Mamahalin pa rin ba kita o hahayaan na kitang maging masaya?

Thanks for reading fellow steemians hopr you like it.
FOLLOW, UP VOTE and RESTEEM