Filipino Poetry -- Aabutin ko ang Kaluluwa mo

in #nsfw7 years ago (edited)

Aabutin ko ang Kaluluwa mo

<•••>

images.jpeg

Image Source

Nagngingitngit na naman ang kabog ng dibdib,
Pilit na hinahanap ang silahis ng buwan,
Habang desidong kakalimutan ang mga gusto mong iilan,

Katulad ng balita sa telebisyon papatayin muna kita

Papatayin ko muna ang paborito mong tsokolate,

Ang himig ng iyong paboritong opm, at ang mga gusto mong puntahang mga talon,

Katulad ng usok mula sa hinihithit kong sigarilyo papasok at lalabas ka sa sistema ko...

Magbabalik tanaw sa mga eksenang nangyari sa atin sa mga daan
At kakalimutan ang pinagsaluhang sandali sa syudad na nakakita sa'ting pagmamahalan,

Gigibain ko ang maingay mong mundo at kukumpunihin ito kasabay ang musika mula sa bawat
Pintig ng iyong malamig na puso.

Pagsasaluhan natin ang init ng kasalanan na umaapoy sa'ting laman,
Habang dadaan ang kay ginaw na gabi.

Isa-isa kong tatanggalin ang mga butones mo, habang malagkit ang aking mga titig at naglalaway kong puso,
Nanggigigil at sobrang gigil na gigil,
Ang kumot ay mawawala nga dito sa pagsasaluhan nating matigas na Kama,

Papatayin muna kita... lalong-lalo na ang mabuti mong puso.

Mahal,
Tanging mga agiw lang sa bobong ang saksi sa gabing ito.

Kaya Mahal, Sambahin mo na ang mga pinaniniwalaan mong mga santo
Dahil katulad katulad ng usok mula sa hinihithit kong sigarilyo,
Papasok at lalabas ka sa sistema ko,
Mahal,
Ngayong gabi Mahal, aabutin ko ang kaluluwa mo.

images (1).jpeg

Image Source


DQme3RXAvJNPczaBt3LpE1TxVCwRDBBkrQJ2qdWYf5XZKTe.jpeg

Sort:  

Ay nsfw! Di pwede sa bata di pwede sa akin.
Ang ganda po! Hindi sya halatang nsfw, napakahusay ng paglalarawan nyo po dito. Kailangan ng ibayong imahinasyon para maintindihan ang akdang ito.

Salamat sa komento at puna po!!

Mahusay!
Isang kagila-gilalas na katha!

salamat sir!

May steem-byteball ka na? Tagal mo nawala ah!