My Entry @steemph.Antipolo Contest #4: My Memorable Summer contest *You ❤ Me Zambales*
How do you spell ADVENTURE?. Adventure begins not with an A but with the Z dahil ito ang isa sa distinasyon dito sa luzon ang ZAMBALES.
Ito ang isa sa dinarayong beach distination tuwing summer ang Zambales, lahat ng bibisita siguradong matutuwa sa mahaba nitong baybayin, malinaw na tubig at iba't ibang beach sports and activity. At bukod dito sinasadya din ang zambales sa nagsasarapan nitong seafoods at syempre mangga.
Ilang taon na din kaming pabalik-balik sa lugar na ito pero yong pakiramdam ng pagka-excited ay hindi pa rin nawawala tuwing nagpa-plano kami pumunta dito kasi sobrang ganda ng zambales. Sa ilang taong pagpabalik-balik dito ang lagi ko lang kasama ay ang mga pinsan ko, tita at siyempre mga lolo at lola ko na nanirahan na din sa zambales dahil naging care taker sila sa isa sa mga beach dito kaya sa gastos? Pasok na pasok ang aming budget para pumunta dito.
At ang pagkakataon na ito ay ang pinaka masaya at talagang memorable na summer expirience ko dahil kasama ko ang taong mahal ko. 😍😍
Sa limang taon namin bilang magkasintahan ngayong 2018 lang kami natuloy pumunta dito. Yong makita ko na masaya siya masaya na din ako ilang taon din siya nag-pagaling dahil nga nag undergo siya ng kindey operation tatlong taon na ang nakalipas at yan dahil okay na siya at naka-balik na sa work nagkaroon na kami ng chance puntahan yong mga lugar na gusto namin. Naka ilang hiking and travel na din kami but this summer dito muna ang rota namin sa Zambales.
Ano ba yong una naming ginawa dito?? Syempre after almost 7 hours na byahe from Antipolo city to Zambales haha pag baba nag picture picture muna which is hindi nawawala lalo na pag-ganitong travel. Ika nga Capture the moment haha
touch down San Antonio Zambales, bili muna food para may baon 😂
After this rota naman kami papuntang Pundaquit, Zambales.
Picturan ko daw muna siya hehe yong ramdam ko yong tuwa niya nung nakarating na kami dito kasi ang ganda daw first time niya dito pumunta
Isa sa mga nagustuhan ko sa lugar na ito is ang bait ng mga bangkero. Ito yong video namin nung nasa bangka na kami para sa island hoping namin sa ANAWANGIN COVE kami nag overnight. kasama na din dyan yong iba naming mga photos sinama ko na din sa video.
And yong pinaka talaga namang memorable sa aking summer expirience una ay yong matulog sa tent kasama siya kasi ito yong first time ko na matulog sa tent kasama ang bf ko.
Pangalawa yong maligo sa dagat kasama ang makukulit na kaibigan ko haha at kasama ang pinaka espesyal na reyna si kua @beyonddisability hanga ako sa taong to sa kabila ng kapansanan hindi yon naging hadlang para magawa niya yong mga bagay na gusto niya. Hindi din siya pabigat dahil sa kapansanan niya haha nag-paypay lang naman ng naka luhod tong si ateng 😂😂😂 dinasalan ang aming pagkain para mabilis maluto.
nag-laro at nag swimming together
hugot teh 😂😂😂😂
Pangatlo ay yong mag bonfire together ito yong isa sa pinaka masarap na expirience para sa mga first timer na pupunta dito. Yong ang lamig ng simoy ng hangin na dadampi sa balat kasi sobrang lamig talaga namang pak na pak mag bonfire habang naka higa sa malamig na buhangin,pag-masdan ang maraming bituin habang nag kwe-kwentuhan at syempre kumain or mag-inom.
And last is yong umakyat kami ng bundok. Dalawa lang kami ng bf ko umakyat kasi ang aarte nila (hahah charooot) busy sila mag picture every where kaya naman hindi sila sumama. At ito yong the best part na pinaka memorable yong umakyat kami ng bundok na dalawa lang kami nag picture picture at sa taas ng bundok (wow magic..) may ICE CREAM. Panuorin niyo yong vid na to guys haha andyan kasi si chef 😂😂
insert ko nalang yong iba naming mga photos i hope na nagustuhan ninyo itong basahin.
uy layo ng tingin, hanap mo ko mahal. Dito lang ako hindi kita iiwan?
ang bangis ng photographer ko, gantong anggulo daw maganda ko hahah
This post worth a huge vote, keep it up @ailyndelmonte soon you will have a good curator that will curate your post. :D
Thank you @steemph.antipolo 😍😍
Ang kulit talaga ni brain na miss ko ung zambales bigla haha.
Haha humuhugot pa mga wento dyan binasa mo ba 😂😂 biglang namis ko din zambales habang ginagawa ko to mas maganda mag plano dahil may camera tayo 😂 cord nalang kulang ng akin para ma transfer mga photos
Nagsasa naman tayo :)
At saka potipot. tapos camping ulit sa Anawangin haha
Haha plan nalang muna tayo dyan kasi baka kulangin tayo sa budget 😄 nakaka miss ang zambales
Sweet 😊 may forever
Thank you beh 😘 pumo forever 😂
oha extra ako ...mamats @ailyndelmonte
Haha hindi ka extra kasi part ka ng naging memorable expirience ko ateng 😇😘😘
na touch ako dun
Haha hindi ko nalagay sa kwento yong namali kayo ng baba ng taxi nag antay kami ng matagal sa terminal haha kala namin kumain kayo wahahha yun pala ang layo ng nilakad nyo kasi mali baba nyo hahaha yong ang laftrip kasi kala mo mga galing gym na pawis na pawis wahhahah
Follow and vote mi sabap ike hna kutupu bahasa awak kah na