Announcing the Winners of Meme-The-Word 'Water'--And There's a new meme contest in town, for Filipino Community only. Post written in Filipino
Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga sumali sa Meme-the-Word contest na isinagawa ko kamakailan lang. Nakakalungkot mang-sabihin, kailangan na itong tapusin. Pero wag kayong mag-alala dahil may panibago akong naisip na pagalingan sa pag-gawa ng mga meme.
Ito pala ang mga nanalo sa Meme-The-Word 'Water' noong nakaraang linggo. Congratulations!
1st- @sabo 1.053 SBD
2nd- @tsukikei 0.526 SBD
3rd- @keshawn 0.316 SBD
honorable- @marysent 0.105 SBD
honorable- @dwaeji-aizelle 0.105 SBD
Ang Pilipino ay sobrang masiyahin sa lahat ng bagay
Likas na sa Pilipino ang pagiging masayahin. Kahit na may problema, tinatawan lang ito at dinadaan sa biro. Ang mga Pilipino rin ay mahilig makisabay sa uso, lalo na kapag umaangat sa lahat. Kabilang dito ang pag-gawa ng masasayang bagay kahit na may tinatamasang problema o wala. Meron din na trip-trip lang para sumikat.
Isa sa mga sumisikat ngayon na ginagawang libangan ng mga Pilipino ay ang pag-gawa ng mga 'Meme', ang meme ay isang imahe, bidyo o bahagi nito, teksto na nakakatawa dahil iniba ng isang tao sa paraang nakakatawa o may sinasaad na impormasyong nakakatawa, seryoso, at iba pang mapapansin ng mga nakakakita.
Marami ng sumikat na meme na gawang-pinoy. Isa sa mga kumakalat na sa internet ngayon ay ang WildFlower Meme. Ang WildFlower ay isang teleserye sa ABS-CBN na sikat at tinatangkilik din ng mga Pilipino. May mga eksina dito na napaka-intense, ngunit di ito nakaligtas sa kapilyohan at kasiyahan ng mga Pilipino. Ginawan ito ng mga meme, serye ng mga meme sa teleserye na may nakakatawang teksto o impormasyon. Kaya, talagang masasabi kong may talento ang pinoy sa pagpapatawa o pagbibigay ngiti sa ibang tao.
Mga Halimbawa
At marami pang iba.... Ganyan tumira ng meme ang mga Pilipino. Nakakatawa, minsan nakakabwesit pero kapupulutan talaga ng aral.
Bakit para sa mga Pilipino lang
Marami ng mga kumunidad na umu-usbong sa steemit. Mga kuminidad na ginagawa ang lahat para umangat sila at umunlad ang kani kanilang meyembro. Karamihan sa mga ginagawa nila ay ang pag-post ng mga mgagandang artikulo, na ginagawa naman ng ibang kumunidad kabilang na ang Kumunidad ng mga Pilipino. Pero naisip ko na hindi lang sa ganitong paraan para mapansin kami ng iba at umunlad din. Kaya naman lumikha ulit ako ng panibagong inisyatiba na makakatulong para sa lahat ng mga Pilipino. Lalo na hindi lahat magagaling sa pag-gawa ng magagandang artikulo.
Ang mga Pilipino ay mahilig sa mga patimpalak o paligsahan dahil alam nila na may matatanggap silang gantimpala sa huli kapag sila ay nanalo. Marami ng patimpalak na sinalihan ang mga Pilipino dito, kahit anu anong laro o paligsahan para lang may matanggap na gantimpala.
Kaya naman I'm proud to announce my new meme contest na para sa mga Pilipinong malilikot ang imahenasyon:
MemeMoPinoy
Simpleng pagalingan lang sa pag-gawa ng magaganda at nakakatawang meme.
Mga patakaran sa pagsali at para valido ang pagsali
1. Maari ka lang mag-submit ng 3 entry at dapat i-comment mo ito sa post na ito.
2. Dapat i-resteem at i-upvote mo ang post na ito.
3. Dapat naka Filipino ang mga salitang ginagamit sa meme mo. English-Filipino ay pwede rin.
4. Dapat Filipino-related yung mga imahe. i.e Politika sa Pinas, mga tv-shows sa Pinas, mga lugar sa Pinas at iba pang bagay na makikita lamang, o nakita mo na sa Pilipinas.
5. Bawal magmura. tang***!
Sino ang hahatol?- Wala ng iba kundi ako lang!!! Promise walang bias!
Mga gantimpala- Lahat ng Liquid SBD na makukuha sa post na ito ay mapupunta sa mga mananalo.
1st- 50% Liquid SBD
2nd- 30% Liquid SBD
3rd- 20% Liquid SBD
Ang mga gantimpala ay maibibigay pagkaraan ng 24-oras pagkatapos ng payout ng post na ito.
Goodluck mga Kababayan. Galingan niyo!
"best of time"
Congratulations @themanualbot! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of comments
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
@themanualbot Sana man lang Filipino ang lenguwahe ng nanalo. Iyon bang. May unli tubig daw doon sa pumutok na tubo ng Maynilad. Pero masaya pa rin ako sa nagawa ninyo.
Hi @mdominicorobin. Kung ang tinutukoy nyo po ay yung mga nanalo sa Meme-the-Word, ibang contest po yan at natapos na po yan. Ibang contest napo ito, MemeMoPinoy na po itong ginagawa ko. Salamat :)
You are right. All the confusion about the topics and the usernames make my head spin. Sorry for the confusion.
Thank you, @themanualbot! :)
Welcome @marysent :)
:)
Salamat @themanualbot
Upvoted😂🤣😂🤣 all Memes made me lol
Thanks for resteeming my post.
Sasali ako, gagawa muna syempre. :D
HI @themanualbot paano at saan ko malalaman kung may contest ka ulit? interested ako sumali. Salamat :)
Hi @itsokimaj, salamat sa commento mo. Malalamon pag finallow mo ako. At mahahanap mo ako dito sa chat channel na ito. https://discord.gg/qYAtEZ .
Hindi ako marunong gumawa, marunong lang akong tumawa! pero try natin :D