Salamat sa trapik!
Madilim palang ako'y bumabangon na.
Sa jeep.
Sa bus.
Pila ay napaka haba.
Sa trapik ipit pa.
Sa oras ako'y palaging naghahabol.
Na kung tutuusi'y limang minutong biyahe lang dapat ang aking gugulin.
Trenta minutos na lakaran kung ako'y malalakad.
Ngunit inaabot na tatlong oras sa daan.
Pag dating sa kompanyang pinapasukan.
Minsa'y huli sa oras.
Ganun din sa pag uwi.
Oras nasasayang na dapat sana'y para sa aking pamilya.
Sa loob ng isang taon.
Siyamnaput isang araw ang sa lansangay nawawala.
Kung ako'y mabubuhay ng walompung taon.
Labing siyam na taon ang sa kalsada'y aking ginugol.
Salamat sa trapik!