Kung Tayo..tayo...
"Lei..si Mhay.."
"Mhay..si Leila..Bestfriend ko....
Bestfriend????
Tandang tanda ko ang petsa na pakiramdam ko binagsakan ako ng langit at lupa..Hunyo 18,1998..kaarawan ng isa sa aming kabarkada..kumpleto na halos lahat ikaw nlng ang wala..wla pa kasing telepono nung mga panahon nayon.wala akong ibang magawa kundi ang mag antay..akala ko kasi "may tayo" sa pagitan nting dlawa..isang linggo kasi bago yun sabi mo kasi sakin..punta ka dun ha..antayin kita..tapos ako maghahatid sayo pauwi..hinalikan mopa ako nun sa noo bago tayo naghiwalay diba?unang salta mo plang sa eskwelahan nmin ako na agad pinormahan mo kase.kaso may iba pakong kinakalantari nun kaya di kita masyadong pansin..niligawan mo kaibigan ko nun..kirengkeng naman yun isa pinatulan ka naman agad..nung mapunta ka sa iba saka ako nakaramdam ng kakaiba..panghihinayang..sana pla pinansin kita nun may dating ka naman pla..husay mong sumaway..ganda mong ngingiti..kaya lang huli na ang lahat.naging barkda nlng tayo kasi ligaw mo na isa sa barkada ko.lakad nmin kasama ka lagi..pkiramdam ko nagtataksil tayong dlawa nun sa mga ligaw ntin.kasi ewan ko alam kong alam mo na "Tingin plng ntin nagkakaintindihan na tayo.."diba?aminin mo yan..lagi mokong binibiro pag tayong dalawa lang.."sana tayo nalang.."
Nakipaghiwalay ako nun sa ligaw ko..kasi nabalitaan ko nagkakalabuan na din kayo ng barkada ko.Umasa bako na pag wla na kayo at wala na kmi..magiging Tayo na..
Isang buwan mula ng gumradweyt tayo..nawalan tayo komunikasyon.
Eto na kaarwan nga ng isa sa barkda ntin..tuwang tuwa ako kasi alam ko magkikita na uli tayo..kaso pagdating mo may kasama ka na..sabi mo umuwi sa inyo ayaw ng umalis.samakatuwid nagsasama na pla kayo.
Sobra akong nasaktan.pkiramdam ko pinaasa mo lng ako.pero ewan ko din bakit may pakiramdam akong na gusto mo sanang magpaliwanag..kaya lng sa sobrang sakit na naramdaman ko nun umuwi nalng ako agd.sa madaling salita..naghiwalay tayo ng masama loob ko sayo..nagkalayo na tayo masyado nun..labingpitong taon na wala tayong nging balita sa isat isa..pero alam ng Diyos..dika nawawala sa pusot isipan ko.
April 24,2016 nang pumanaw ang nanay ng aking matalik na kaibigan na kaibigan mo din.isang napakalungkot na sitwasyon na nagpasaya ng lubos skin..muli tayong nagkita.
Okey nako sa buhay ko e..may asawa nko may dalawang anak..ikaw pla tatlong taon na kmong hiwalay sa asawa mong si Mhay.Kwentuhan tawanan na parang walang nangyaring "iwanan" nung araw..pero sa totoo lng..binulabog mo ang tahimik kong damdamin..kuntento nko sa asawa ko.sa buhay ko..pero nagulo akong bigla.sa mga simpleng text simpleng kwentuhan alam ko may espesyal sating dlawa.Pero alam nating dina tayo pwede..gang dito nlng tayo.masaya na tayo sa ganito..masakit isipin na may mga taong nagmamaahalan na di nabibigyan ng pagkakataong magkasama.. masaya nadin na kahit alam mong walang "kayo" at di pedeng maging kayo e naipararamdam nyo pa rin sa isat isa na andun pa rin ang pagpapahalaga at pagmamahal nyo sa isat isa..na alam nyong di naman kayo lumalagpas sa mga limitasyon nyo.
"Okey na ko na ganito tayo..na alam kong mahal ntin isat isa..pero di tayo pedeng magsama..mahalin mo pamilya mo.wag kang tumulad sakin..ako sanay akong mag isa..basta alam ko lng na pag kailangan ko kausap anjan kalang.."yang mga salita na yan ang tumatak sa isipan ko..
Sa ngayon alam ko sa sarili kong nakamove on nako sayo..di na kita pinagnanasahan ngayon pag nakikita kita e hahaha..saka natatawa nako pag may binibiro kang iba.nakakapunta kana samin nang wlang pag aalinlangan..nalalabanan mo ng inuman ang asawa ko..masaya nko sa ganun..masaya nako na natututo akong makuntento sa kung anong meron ako ngayon..dahil sayo..dahil sa lgi mong pagpapaalala sakin na mahalin ko pamilya ko at wag akong tumulad sayo.sabi mo sapat ng ikaw nalang ang nagmamahal sakin..ako mahalin ko nlng pamilyang meron ako.nakamove on ako sayo sa dalas na nakakausap kita..parang nawala yung sakit na binigay mo sakin kasi pinaniwala ko nalang isip ko sa katotohanan na sadya palang may mga tao na alam mong tunay ang pagmamahalan pero di nila kapalaran ang magkasama...makuntento nalang tayo sa kung anong meron na tayo ngayon..Sapat na ang katotohanang may mga taong sadyang di para sa isat isa.
(Pero ang totoo..nakamove on ata ako kasi feeling ko nakaganti nako sayo..pinagpalit moko ke Mhay e..asana na ngayon ang Mhay mo?hehehe.iniwan ka din buti nga sayo..hahahaha.)
Samantalang ako masaya sa buhay ko..
Kuntento na kung anong meron ako..
"Ang Aking Mahal na Pamilya"
"Ang Aking Buhay"
Totoo ngang may mga tao talagang nagmamahal pero hindi nagkakasama. Siguro dahil may ibibigay rin talaga ang panginoon na taong mas karapat-dapat at tunay na magmamahal sa atin. At binigyan ka nga niya ng masayang pamilya. ❤
Pero natutuwa ako't napa-throwback ka nang wala sa oras dahil sa patimpalak natin, sis. Hehehe. Iba rin kasi 'yong pakiramdam kapag maagang tumibok ang puso. Mas ramdam yung kilig. 😂
Pero ang importante naman talaga ay nakahanap ka ng lalaking magbibigay sa 'yo ng masayang pamilya, at naibigay naman yata iyon sa 'yo. At least happy ending pa rin. 😄
Maraming salamat nga pala sa pagsali sa patimpalak ko, sis. At sa pagbahagi sa kwento mong ito. 😊
Salamt sis at napagtyagaan mong basahin ang istoryahe ng buhay ko...talaga nmang mula ng isulat ko ito ay tila ba may lumuwag ng konti sa aking nagsisikip na damdamin hahaha..parang bang may napaglabasan ako ng sama ng loob ma matagal kong kinimkim at di nailabas..salamat sa isang napakagandang patimpalak na ito sis..aasa akong marami kapang patimpalak na gagawin at iyan ang aking susubaybayan.
kow, kirengkeng! hehehehe... sabagay ganda kasi natin..
Nyahaha..binasa mo ba?joke lang..makasali lang ba sa pacontest wahaha..
oo sis binasa ko! kay haba ng istoryahe! hahaha.. kilala ko yan ah! nyahaha
Wahahaha..kilala moba?sayang nga e..mabait pa nmn yan..walang sumbungan ha joke joke lng nmn to nyahahaha..
May forever ka naman gumaganiyan ka pa haha.
Nko makasali lang ba..haha
Me.maikwento lng hahaha..secret lng ntim yan ha..alam mo nmn friend mo napakaseloso palibhasay kayganda ko charotttt..hahahaha
Sige na nga hehe. Sali ka rin pala ate sa "paboritong alaala" basahin mo lang sinulat ko para may ideya ka. Sayang din naman baka manalo ka.
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by lhey18 from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.