Ang larawan na ito ay nag-mula sa Pixabay
"Kahirapan"
Ulam sa gabi'y sardinas
dahil sa hirap na dinaranas.
Pagkaing masasarap
nandoon lang sa pangarap.
Bahay na inaanay
Pilit inaayos ni Inay.
Aso na taga bantay
Kasama palagi ni Itay.
Basura sa Payatas
minsa'y aking pinitas.
Ako'y nangangalakal
Nag-benta ng bakal.
Maduming tubig sa gripo
Dulot ng mga trapo.
Sabon na pampaligo
mas mahal pa ang isang itlog pugo.
Mababa lang ang sahod ko
parang sa tindera ng sako.
Isip ko'y litong lito
dahil ang pera ko'y sakto.
Tulong na nag-mula sa gobyerno
Pagkain, damit at kwaderno.
Ganyan dito sa Laguna
Lalawigan na nangunguna.
Ang tulang ito ay tugon sa tulang isinulat ng aking mabuting kaibigan na si @ahna8911 na reyna nang tugma , ang tula na ito ay hango sa isang dokumentaryo ng aking kaibigan na si @iamqueenlevita , ito rin ay mag-sisilbing handog ko sa dalawa sa matalik kong kaibigan dito sa Steemit. Maraming salamat po sa inyong lahat.
👏👏👏👏
sumagot ka ate ahna hahahaha magsagutan tayo
..ahahaha ung sagot ni krass hinihintay ko..ahahaha
..ahahahaha ano naman sa tingin mo ang isasagot niya?
@resteemator is a new bot casting votes for its followers. Follow @resteemator and vote this comment to increase your chance to be voted in the future!
@sheshebaylosis , ganda ng words she . pero ang seksi ng babae :D