Literaturang Filipino: Kapatid
Sa isang baryo kung saan kilala bilang lugar ng mga tulisan at iba pang mga masasamang tao, may kambal na isinilang. Ito ay sina Tony at Alex. Lumaki sila sa lugar na puno ng kaguluhan kaya marahil lang ganoon lang din ang kanilang pamumuhay. Upang mabuhay, dapat makipagsapalaran kung saan sariling buhay ang nakasalalay. Sa murang edad pa lang nila ay matututong magnakaw para lang makakain, hanggang sa sila ay napasok sa isang malaking gang.
Isang gabi kasama ang gang na kanilang kinabibilangan, sila ay nagnakaw sa isang pabrika ng bigas. Marami-rami ang kanilang nalimas. Ngunit di inaasahan ng kambal na ang gang na kanilang kinabibilan ay mga hudas at di mapagkakatiwalaan. Pati sila ay ninakawan ay binugbog pa sila dahil sa kanilang panlalaban. Doon nila napagtanto na walang sinuman ang mapagkakatiwalaan.
Simula noong aksidenteng iyon nagsarili nang lumakad ang magkambal. Nagnakaw sila kung saan-saan at napadpad sa malayong lugar, malayo sa kanilang kinalakihan. Isang gabi nang kanilang pagnanakaw, hinabol silang dalawa ng kapulisan at nagkahiwalay ng daan. Si Tony ay napunta sa daan patungong simbahan at sa kumbento nakapagtago habang si Alex naman ay lumusong sa estero para makatakas. Habang si Tony ay nagtatago, nakita niya ang isang dilag na nakapukaw sa kanyang atensyon. Tumakas si Tony na hindi man lamang nalaman ang pangalan ng dilag kung kayat napagpasyahan niyang balikan ito kinabukasan na lang pero pinigilan siya ni Alex dahil mainit pa sila sa mga parak. Ngunit umalis pa rin si Tony at nagtungo sa simbahan. Napaisip siya na baka mahuli ang kakambal at ituro siya nito. Nagalit si Alex at nagtungo kung saan ang kakambal at nadatnan niya na papalapit ang kanyang kakambal sa isang dila. Dali-dali niyang hinabol ang kakambal at pinigilan. Sinabihan niya itong wag mapakabobo sa isang hamak na di kilalang dilag. Kinaladkad ni Alex si Tony na ikinagalit naman nito. Nagkabangayan ang dalawa at sinabi ni Tony na huwag siyang pakialaman sa ninanais. Sinuntok ni Alex ang kakambal at agad namang sinuklian ni Tony. Nagsuntukan ang dalawa hanggang sa umayaw na si Tony at sinabing tama na, baka panahon na para siya ay magbagong buhay at mag-iba ng landas. Hindi naman ito ikinatuwa ni Alex dahil kung iisipin ay makamuha silang dalawa, at kilala ang mukhang ito na magnanakaw. Di pinansin ni Tony iyon at sahalip ay iniwan ang kapatid.
Nagbagong buhay si Tony at nagkapamilya habang si Alex ay patuloy sa pagnanakaw. Tuluyang magkahiwalay ang makakambal at wala nang balita sa isa't-isa. Panahon na lang ang hinihintay upang makakita at maingganyo ang isa na magbago na.
Ang isa ay naging mabuti at ang isa naman ay naging masama parin. Talaga ngang kahit ang mga kambal, bagama't magkamukha ay magkaiba parin ng ugali at mga ideya na sadyang nakakamangha.
Ganyan talaga ang tao mahirap unawain ang ugali at gawi. Hindi natin alam kung saan patutungo ang buhay, tayo lang ang makakapagdisesyon kung ano ang nanaisin.Kahit magkadugo ay makakaiba rin sa isa't-isa. Salamat @tagalogtrail sa pagbasa mo sa aking gawa. :)
Oo kulang ng dahas pa @ejnavares dapat may patayan! May saksakan may baril.
Hahhaa joke lang good luck sa patimpalak!
Ang isa ay naging mabuti at ang isa naman ay naging masama parin. Talaga ngang kahit ang mga kambal, bagama't magkamukha ay magkaiba parin ng ugali at mga ideya na sadyang nakakamangha.
Magandang aral to kabayan. may panahon pa para mag bago. salamat naman at yong isa ay nagbago na. salamat sa pagawa ng kwento mo @ejnavares
Lahat ay may karapatang makapagbago. Panahon at oras lang talaga ating kalaban @fherdz. Yan ang aking opinyon hahahahaha.
Tama ka diyan. @ejnavares, tuloy lang ang paglikha ng kwento. salamat
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by ejnavares being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.