Literaturang-Filipino: Kabutihan Sa Likod ng Karahasan (Giyera sa Marawi)
ni @bitterpie
Binalot ng gulo ang mundo ng Marawi. Maraming inosenteng tao ang namatay, nawalan ng tirahan at lalong humirap dulot ng giyera.
Naging laman ng balita sa telebisyon at radyo ang kaguluhang nangyari. Maraming tao ang natakot sa nakakasindak na pangyayaring naganap.
Ang dahilan ng giyerang ito ay ang maling pakikibaka ng mga teroristang tigre sa bangis, walang kinatatakutan, bata man o matanda ay kaya nilang paslangin.
Umabot ng limang buwan nang matapos ang giyera.
Maraming tao ang nag-iiyakan at maraming dugo ang nagkalat sa daan.
Bakas sa mukha nila ang galit, takot at pighati. Marami ang na truma dulot ng karahasan.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ay may kabutihan parin. Ang mga sundalong nakipagbakbakan.
Maituturing parin nating kabutihan ang kanilang ginawa. Sa likod ng karahasan ay may kabutihan.
Maitatawag nating BAYANI ang mga sundalong handang nagbuwis ng buhay mailigtas lamang ang naninirahan sa bayan. Nahiwalay sa pamilya at namatay para sa iisang mithiin - ang kaligtasan ng bayan.
Hi..naulit ang post mo☺