Tungkol sa isang hayop: Kalabaw
Tungkol sa isang hayop.
Ano ba ang panuntunan ng kalabaw sa atin? Dahil yung kalabaw ay katulong sa lahat ng magsasaka lato na dito sa Cebu at syempre sa probinsya namin. Kahit saang parte sa pilipinas kalabaw ang kailangan ng ma nga magsasaka dahil malakas ito.
Sa hindi pa nauso ang teknolohiya kalabaw na ang nag papakain sa atin. Nang dahil sa kalabaw nagawa nating mapabilis ang ating pag-uuma at nababawasan ang ating pagod nang dahil sa tulong nang kalabaw. Bukod sa madali itong alagaan, maamo pa at hindi ito nag dudumi sa sarili. Di tulad ng ibang hayop na ang hirap alagaan at ang baho pa ng dumi nito. Kailangan mo pang gumastos ng malaking halaga para kumita. Kalabaw lang ang may maraming hindi nagrireklamo pag nag aalaga ka nito. Ligtas ito sa kalusugan ng ma nga tao dahil hindi ito mabaho at hindi rin ito nag iingay.
Karamihan sa probinsya kapag nag-aasawa na kalabaw na ang katulong nila sa araw-araw na hanapbuhay. Dito rin ako nag simula ang papa ko ay isang simpling magsasaka lamang. Dun niya kami binubuhay gamit ang sarili naming alagang kalabaw. Sayang kasi wala ako sa probinsya namin at hindi ko makunan ng litrato yung kalabaw namin. Nasa lungsod (City) kasi ako nag-aaral at nag tatrabaho kaya di ako makauwi para kunan nang imahe ang alagang kalabaw namin. Malaki ang pasasalamat ko sa panginoon na gumawa siya nang hayop tulad ng kalabaw na inaasahan ng maraming magsasaka.
Sa pangalan pa lang ng kalabaw marami ng nakakilala nito. Karamihan natin may ganitong alaga sa probinsya maliban lang sa mga taong namumuhay sa mga lungsod o na bilang sa iskwater na tirahan. Hindi nila ito gaanong maiuugnay sa totoong buhay ng ma nga magsasaka. Araw-araw tayong kumakain at araw-araw din tayong umaasa sa ma nga magsasaka. Ganon ka importante ang kalabaw sa ating pamumuhay.
Sabi ng iba ang kalabaw ay mananakit. Pero mananakit lang ito pag di niya kilala syempre pagprotekta sa kanilang sarili. Lahat ng hayop ay ganon takot sila pag may manakit sa kanila. Lalo na't may anak ito. kahit naman sino pag ginalaw mo yung anak syempre magagalit yung ina. Nagagalit din ito habang kumakain pero hindi nila ito gawin sa amo nila. Kapag ikaw ang nag-aalaga sa kanya hindi ka nito gagalawin at pwede kapang sumakay sa kanya.
"Gusto kong mapabuti ang aking kasanayan sa pagsulat. Isang maliit na opinyon na tumutulong sa aking pagsusulat ay pinahahalagahan" :)