Blogging and Snow - These are the two of my favorite things...
I was introduced dito sa #steemit ng friend ko na si @joangarcia16 nung January 29 ata. This would be my 5th post I believe. And sa totoo lang, hindi ko sure kung gusto ko dito. Haha. Hindi ko mafeel ang vibe ng blogging world, like dun sa blogspot na I would keep on scrolling on peoples blogs, kasi they talk about their lives, yung totoong buhay. Hindi ko rin magets yung mga points or whatsoever, and why people just post anything para lang may maipost? I know some will say, eh di wag ka dito. Haha. I know I know ang arti ko! Pero I want to give this platform a chance, and intindihin kung anong meron dito. Habang ginagawa ko yun, mag bloblog ako. Or just talk on things that interest me, kasi hilig ko talaga magsulat.
Anyways, hindi ko alam kung may makakabasa neto hahahha. Pero sige tuloy natin. Okay, so winter nga dito mga bes! So alam na, ang sasabihin ng mga Pinoy, wow sarap! Wow pangarap ko yan, maka-experience ng snow. Ganyang-ganyan ako nuon, first time I experienced snow nung 2nd day ko dito sa Canada. That was in April 2008. Oh diba, kaloka April na pero nag snow pa. Pero syempre that time, feeling blessed ang lola nyo! Hahaha.
Sa halos 10 years ko na dito sa Canada, I still love the snow! Sobrang weird ko nga daw sabi ng mga puti, pero para sa akin kasi parang ang linis, everything is so white and beautiful.
!
()!
()!
Pero mga bes, iba ang snow sa winter cold ha. I love snow but not the cold that comes with it! Okay ako kung nasa loob lang ako ng bahay, may hot chocolate (or most of the time tequila shots! haha, ibang post yang tequila ko - that's one of my favorites too! lol) So eto na nga, like this morning, I woke up like this, hahaha joke. Usually, pag nagising ka dito, bago ang Facebook app (or #esteem app), weather network ang unang ichecheck. Kailangan namin yan dito para prepared kami paglabas ng bahay.
So ganyan ang lamig dito from December - March! Minsan naman nag plus 2 and temperature, Sobrang saya na nun, mga naka t-shirt nalang ang mga puti pag ganun, hahhaha. So ang reality talaga, hindi ka rin makakapag enjoy sa labas kapag winter. Kasi nga Sobrang lamig. At eto pa mga bes ha, reality is kailangan mag shovel ng walkway at driveway. Dahil kung hindi at may nadulas dun sa tapat ng bahay nyo, nakupo, pwede kang idemanda.
Pero syempre Filipino tayo, kahit mahirap kinakaya, at para sa Facebook or IG post, smile pa din sa camera <3
welcome!follow me, goood )))
Thank you!
Syempre naman babasahin ko, hindi naman lahat ng tao ang pnopost ay tungkol s mga buhay nila , meron din naman na mga frustrated writer na kagaya ko, gusto ko rin mag sulat kasi un naman talaga ang inaral ko nung college hehe, I suggest na science fiction ang isulat mo un ang gusto ng mga steemians hehe