Singsing na kawad

in #life7 years ago

IMG_20180506_194710.jpg

Natatandaan ko pa nung high school ako tuwing uwian maraming nagtitinda sa labas ng gate. Isa na doon yung gumagawa ng singsing at kwintas na hinuhulmahan ng pangalan na gawa sa manipis na kawad. Kalimitan sa pinapagawa kung hindi sariling pangalan ay pangalan ng crush mo.

IMG_20180506_230148.jpg

Kanina namalengke ako nakakatuwa kase may nakita akong gumagawa ng singsing kawad pero nilagpasan ko lang. Nung pabalik nako di ko na napigilan nilapitan ko na si kuya nagpagawa ako ng singsing syempre yung pangalan ng crush ko para ala ala ng pagiging teenager. 😁

Na miss ko tuloy maging estudyante sa high school. 😊IMG_20180506_225648.jpg