Move on

☆ "TO MOVE ON"

"He is dead."

Tatlong salita na hanggang ngayon ay hindi pa kayang i-absorb ng utak ko. It's been a month since the doctor said those painful words. Parang last song syndrome na naglalaro pa rin sa mga tenga ko.

It's one of those nightmares where I can't run or scream.

For one month, pinilit kong iwaglit siya sa aking isipan ang pagkawala ng taong mahal ko. Bawat pagkain na nilulunok ko, puro pilit. Even my favorite foods taste like sand on my tongue.

Kahit ayaw kong sumama sa mga kaibigan ko, pinilit ko para kahit saglit ay makalimot ako. They always say how much they are hurting for me. Kung sila nahihirapan na panoorin akong miserable, paano naman ako?

If it's hard to watch me hurting, imagine how the hurting feels.

I feel so numb. Blank.

Sa bawat gabi na ang tanging kasama ko ay katahimikan, ang daming naglalaro sa isipan ko.

Paano ba kalimutan ang limang taong alaala? Paano ba ngumiti nang hindi labag sa kalooban? Paano ba maibsan ang pangungulila? Paano ba makalimot kung sa lahat ng gagawin at nakikita ko, siya ang lagi kong naaalala? Paano ko ba kakalimutan ang taong nagsilbi kong braso, panyo at unan noong wala akong makapitan?

I love him too much. Too much that I'm hurting.
Lagi kong hinihiling na sana paggising ko sa umaga, wala na ang bakas ng mga tuyong luha sa aking unan— na sana, paggising ko, hindi ko na maalala kung bakit ako umiiyak.

"Are you okay?"

Three words that I always hear from the people around me. Nakakapagod nang sagutin ang tanong na paulit-ulit rin naman ang sagot. 'Yung tipong "oo" na lang ang isasagot para huwag nang humaba ang usapan. Even you feel shitty, you just have to say you're okay to shut them off.

Dumating na rin sa point na tinatanong ko sa sarili ko. What if there's no God? Nasaan na ang taong mahal ko? Saan napupunta ang patay?

Paano kung wala si God? Paano kung nakakulong sila sa isang silid na walang dingding at habangbuhay na walang magawa? What if they're trap somewhere else and they're there to eternity with nothing to do, nothing to talk to, nothing to read or nothing at all?

What if I die? Magkikita kaya talaga kami?

I've been having those questions, pero tanging katahimikan lang ang kasagutan.

Sa loob ng isang buwan, naghanap ako ng diversion para huwag umiyak at magmukmok. Nagbasa ako ng kung anu-anong encouraging words sa internet, sa libro at kung saan-saan, pero parang walang sense. Hindi matanggal ang sakit na nakausli sa puso ko.

I keep telling myself it will get easier. That I' ll meet someone someday who will be able to blind me to thoughts of the person I love, but so far I won’t even bring myself to be happy.

I tried everything I could to recover. Kumapit ako sa pamilya ko. I opened myself to opportunities. Hindi ako umiiyak, mabilisang pagbangon.

Tumawa ako.

Nagsaya.

Pero isang araw, bigla na lang akong nakaramdam ng sobrang kalungkutan. Hindi ko naman siya inisip. Hindi ko na rin siya inaalala pero pakiramdam ko may pinapanood akong nakakaiyak. Bigla na lang nagkabuhul-buhol ang emosyon sa puso ko nang walang rason.

I can't breathe.

My heart screams.

I gasp for air.

Air. I need air. I need air.

"Anong nangyayari sayo?" tanong ni mama. Nakahawak ako sa aking dibdib.

"Ma, 'di ako makahinga. Ang bigat. Ang sakit sakit," naluluha kong sagot. "Help me please.."

Naghisterikal na siya. Pinilit niya akong iangat sa kama. Nanghihina ako. "Ano bang nangyayari sayo?"

"May mali. May mali," paulit-ulit kong sambit. Gusto kong sumigaw pero may nakabara sa lalamunan ko.

"May ininom ka ba? May ginawa ka ba sa sarili mo?"

"Wala..wala.."

"Pero bakit ka—" Nahinto siya sa pagsasalita. Tiningnan niya ako sa mata. She stared at me like she already know what's happening.

Matagal niya akong pinanood.

Matagal.

Unti-unting tumulo ang luha niya. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. Magsasalita na sana ako nang kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit.

"Cry it," she whispered softly. "Umiyak ka hangga't mapagod ka. Huwag mong dibdibin. Ilabas mo lahat, andito lang ako anak."

Ayoko sana. Ayoko sanang umiyak pero dahil sa yakap ng aking ina ay unti-unting namuo ang luhang kinimkim ko ng sobrang tagal.

And finally, for the first time since the person I love died, a tear falls out of my eye.

And then another.

And another.

I begin to cry so hard that it's too hard to breathe. I pull my mother tightly and my cries turn to sobs.

I miss him.

Too.

Much.

It hasn't even been a day and I miss him so fucking much and I have no idea why he left me. It feels so personal, and I hate that I'm selfish enough to never let go of our memories.

Sa pagbuhos ng aking luha ay ang pagbuhos din ng mga alaala.

Alaala ng kanyang mga ngiti.

Alaala ng kanyang mga halakhak.

Alaala ng kanyang mga yakap.

Lahat.

Lahat ng alaala naming magkasama.

Siguro ito talaga ang love.

Of all passions, love is the strongest. When we feel love or when the person we love leaves, it attacks the head, the heart and all our senses simultaneously.

I can't already control my tremors and weeps. Niyakap ko si mama ng buong higpit. I cried and cried.

I cry for so long that the muscles in my stomach begin to ache. My jaw hurts from the tension but it feels so good.

"This is just the beginning 'Nak. You're now where most people who lose a loved one or loved ones start. You've done the work to properly understand what's happening. You have to beat the infection in your wounds, it can heal someday," she said.

Pinakinggan ko lang siya.

"You can't run from feelings. You have to face them. Otherwise you'll never be happy," saad niya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin.

"Hindi mo naman siya kailangan kalimutan para maging masaya. Hindi mo naman kailangang kimkimin lahat. You need to grieve and cry, because that's the only way to ease your pain. Good memories shouldn't be forgotten, it should be remembered. Tandaan mo 'yan," dugtong niya.

Nginitian niya ako. "In my distress I called upon the LORD, and cried to my God: and He did hear my voice out of his temple, and my cry did enter into His ears," panghuli niyang saad bago niya ako muling niyakap at hinayaang umiyak.

I remembered that verse in the bible. Lagi itong pinapaalala sa akin ng taong mahal ko. That God listens.

Ganu'n siguro talaga. Kailangan nating ilabas ang bawat sakit. Kung babalik, muling iiyak. No shortcuts in moving on.

I know it gets better. I know it may not be an easy thing to do, but with the right person by my side I can conquer anything.

As long as we're willing.

A willing heart is the key to the door of possibilities. A person with a willing heart can do lot of things, even those things that has already been declared as impossible.

(PS: The plot is a real story from one of my friends. She's depressed that time. Sobra. But she's now okay, genuine na mga ngiti niya. Hello pala sa February😂)