RE: Mahal Ko Kayo Aking Magulang
Nakakaluha naman.
Mga bagay na hindi natin magawa ng personal sa kadahilanang tayo ay pinadpad ng kapalaran na magtrabaho malayo sa kanila. Minsan naiisip ko rin na hindi lang sa padala nagiging masaya ang mga magulang natin. Pihado ako kung papipiliin sila:
- pera na natatanggap nila kada padala natin
- o ang mayakap at makausap tayo nang personal.
Hindi nila pipiliin mga natatanggap nila bwan bwan. (Sa opinyon ko lang to ha...) Hindi rin nila nais na sa telepono lang natin sila nakakausap at naririnig ang mga katagang "Mahal ko po kayo Nay, Tay" pero dala ng sitwasyon natin dito sa ibang bansa... Hays, sana dumating panahon na dun na lang tayo sa Pinas magtrabaho.
Kahit gaano tayo kaasenso sa ating karera sa buhay, talo pa rin tayo kase nawawala yung mga panahon na dapat kasama natin sila kagayang ng iyong nabanggit kanina - "Sila ay tumatanda na rin"(may masabi lang).
Namiss ko tuloy Nanay ko. Maraming salamat sa artikulong ito @marizen.
Thanks for reading my blog po :D agree po ako sa lahat ng sinabi mo, hirap po kapag malayo sa magulang, in God's will po mangyayari din yung sa pinas na tayo lahat mag tratrabaho :D