Alamat ng "Beshy" - #ULOG 5 (essay writing)

in #hugotcontest7 years ago (edited)

sea-3349798_1920.jpg

source
Dumating ka sa buhay ko na parang ipo-ipo. Bigla na lang nagpakita sa paningin ko, ni hindi ko alam kung saan ka nanggaling at kung paano nabuo. Hindi ko alam kung bakit kahit paikot-ikot ang mga galaw mo, hanggang sa umikot-ikot din ang paningin ko sa kakatitig sa iyo; hanggang sa nawala na ako sa sarili ko kasi pinaiikot mo na pala ako nang hindi ko namamalayan. Doon ko napagtanto na, umiikot na pala ang sariling mundo ko sa mala buhawi mong mundo.

Paanong nangyari na ang dating kaibigan lang ang tawagan, ay mukha yatang mapapabilis ang pagbigkas ng katagang kaibigan na parehas ang sukat ng bawat letra subalit kung bibilisan ang pagbaybay ng gayung salita ay parang mauuwi yata ang matagal nating pagsasama sa salitang _'kaibigan'_. Uuy, huwag kang kiligin, kasi alam ko kaibigan mo lang ako. Oo na, heto na, aaminin ko na at isisigaw pa na... KAIBIGAN MO LANG TALAGA AKO...O ano? Diba, tumawa ka? At nakitawa din ako sa'yo; subalit hindi mo yata ramdam na sa kaloob looban ko ay tinurok ko ng palaso ang sarili kong puso at binali ang nakausling sobra para kahit nakatusok ay hindi mo parin mahahalata ang sobra-- ang sobrang... pag-ibig ko...para sa'yo.... bukod pa sa pag-ibig ng magkakaibigan.
Inunahan na kita, sa pagsabi ng gayun sa patawa na paraan para, hindi mo na bibigkasin sa harap ko ang mga mismong katagang yan at nang hindi mo ako masaktan kasi alam ko...kaibigan lang talaga ang turing mo sa akin. Kaya...mas pinili ko...na saktan... ang sarili ko...kesa naman na ikaw ang manakit sa akin.


Kasi naman itong kaibigan mo sobrang torpe, parang torpedo na bomba doon sa sasakyang pandagat ng Amerika na susulpot na lang sa dagat kapag may inaasinta na. Parang, hangin ng unos kung magpalipad ng mga salitang nakakalig pero sabay bawi naman, kapag nahahalata kong sisimulan mo na akong babarahin sa mga palipad hangin ko na mga linya.

Torpe? Torpedo? Hangin? Cguro nga walang koneksyon ang mga iyan sa mga tinatagong emosyon ko para sa'yo. Ang importante lang naman ay, kailangan kong makita ang ekspresyon ng mukha mo at nang mabasa ko kahit konti, kung ano ang nilalaman ng utak mo. Pero wala eh -- yung mga tugon mo ay halata talagang Kuya lang ang turing mo sa torpeng ito. Pero minsan nasabi ko na, huwag mo akong matawag tawag na kuya, baka mamaya mabuhayan ako ng pag-asa na ligawan kita.

Isang araw, meron tayong nakatakdang aktibidad sa palaruang pambata. May eksenang hawak kamay dapat, para mas mapatibay pa ang samahan. Yun na yata ang pinakamapalad ko na pagkakataon, noong nagkadaupang palad tayo. Pero halatang kabado ako kasi ba naman, lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nahalata mo yatang kinakabahan ako kaya hinigpitan mo ang paghawak. Ako naman parang si Deadpool na tumalon ng mataas papunta sa alapaap. Ah, pasensiya na si Spiderman pala! Sabi ko, cguro heto na ang tamang pagkakataon na maibulong ko sa'yo ang dalawang katagang gasgas na sa pandinig, pero laging epektibo. Subalit... bago pa man maibigkas ko... ang salitang... "Mahal Kita", bigla mong hinawakan ng dalawang kamay mo ang kaliwang palad ko sabay bulong sa akin na:

"Beshy, huwag ka masyadong kabahan, laro-laro lang ito!"

Beshy? Laro-laro? Ang pagtawag mo sa akin na "Beshy" na yata ang pinakamasaklap na katagang narining ko. Naka pag sasabihin ko ay may kung anong matutulis na sibat na tumutusok sa puso ko may isangdaan at isa ang bilang. Mukhang totoo yata ang idyomang lagi ko naririnig sa radyo tungkol sa "Sinakluban ng Langit at Lupa"! Mukhang damang dama ko ngayun ang hyperbolang, nabasa ko sa pribadong grupo ng usapan sa Facebook na "Gumuho ang Mundo"... ni hindi ko nga alam kung sa pagkakataong yaon ay lumilindol ng malakas, o ako mismo ang gumawa ng sarili kong lindol na may lakas ng isandaang higante na humahampas ng tambol sa kaibuturan ng puso ko.

Kaya naman nang bumalik ako sa aking uliran, hinawakan ko din nang kanang kamay ko, ang dalawang kamay mo, na nasa kaliwang palad ko, sabay hila malapit sa dibdib ko, at pinilit binigkas... ang masaklap na salitang...binanggit mo. Ang sabi ko,

"Beshy, kung laro-laro lang talaga ang lahat ng mga ito sana dadating pa ang pagkakataon na seryosohin mo rin ako."

teddy-3234375_1920.jpg
source

At dito nagsimula ang alamat ng 'beshy' at pagiging #hugotero ko. Lahat ng nakikita ng paningin ko at naririnig ng pandinig ko at nadadama ng nabasted ko na puso ay lumalabas ng kusa ang hugot sa mga bibig ko.

Nakita ko ang palaruan ng see-saw. Hindi pala maganda kung iiwan ka mag isa, kasi hindi na magiging balanse ang buhay mo-- mananatili kang nasa baba.

Nakita ko ang bakal na duyan na may kahoy na upuan. Nabanggit ko sa sarili ko na, sana naging duyan na lang ako para kahit upuan mo't yugyugin mo, hahawak at hahawak ka parin sa dalawang rehas nito. Parang relasyon na pinapangarap ko sana para sa atin, kahit na tinitinag ay kakapit at kakapit parin.

At naglimbitin ako sa palabitinan sabay naisip ko na sana, ikaw ngayun ang naglalambitin para malaman mo na kailangan mong kumapit ng mahigpit sa relasyon at tapusin ang paglambitin, kahit na mga kamay mo may masugatan.

At sige...huling hugot na ito. Kaya siguro.... "Beshy" ang tawag mo sa akin kasi... "Be at "Shy" ang dalawang salitang mabubuo sa wikang Inglis na ang ibig lang sabihin ay : Ituloy mo lang pagkatorpe mo.... at makontento ka nalang... sa kung anong meron tayo.

Subalit bilang panghuli sana ay malaman mo na kahit "Beshy" o "Bes" na lang ang tawag mo ay hindi ko pa huhugutin ang palaso na tinurok ko sa dibdib ko. Magbabakasakali parin akong, balang araw sariling mga kamay mo mismo ang huhugot ng palaso at gagamot sa naiwang sugat nito.

Huwag ka mag-alala, kahit naging bagyo ka at ipo-ipo at buhawi ng buhay ko, BESHY!... mamahalin parin kita ng sobra pa, sa pagiging matalik na kaibigan na siyang relasyong pinili mo para sa ating dalawa!

PS: This is my official entry to the #hugotcontest initiated by @lhyn. Here is the link of the contest : https://steemit.com/hugotcontest/@lhyn/hugot-contest-10-sbds-up-for-grab .

=============n=a=n=t=z==============
Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @acidyo, @jerrybanfield, @blocktrades, @cloh76.witness, @ausbitbank, and @curie who have been adding invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

=============n=a=n=t=z==============
Much love, God bless!

Your UPVOTE|RESTEEM|FOLLOW, will always be my source of motivation and inspiration.

Sort:  

..ahahahah.. ang pag ibig daw parang bagyo...mahirap ipredict khit my pag asa..😊😊😊

oo nga @ahna8911 .naks!..hahaha! nakahugot ka ah...

Hhahahahahahah kuyaaaaa i-tag ko na ba???

hahaha...tag na yan...goooo! tingnan natin kung ano reaksyon nila..hahaha!

kuya @nantzjbalayo, kung may nagpauso ng na friend-zone ikaw naman nagpauso ng na Beshy-zone.. Hehe... Ang haba ng hugot.. grabe.. kasing lalim ng balon kung saan ako minsang humiling ,,na sana pagdating ng panahon ang iyong mga mata'y saakin naman mabaling . hahaha!

hahaha...nadale mo ang exact term @iamdeth! Beshy zoned nga ang tamang term! hahaha...

minsan kasi ang alamat dapat isaysay ng mabuti para maitindihan kaya medyo napahaba.. hahaha!

naks! nakahirit ka ng #hugot...lakas!

Ako! i-tag ko na para kanino talaga to..? :)

hahaha.... tag mo sa mga team beshy bro @randyray. joke lang.

ngayon ko lang natapos basahin hahaha. i love it! #friendzoned #beshyzoned

saklap no? yung sasabihin mo na sana ang tunay na nadarama tas biglang ka mabara....hahaha!

Grabe ! wagas.. ang swerte ni girl....

Clap, Clap, Clap......

si boy naman ang malas...#boymalas..hehehe...

Aray kupo. Saklap. Pero di bale marami pa rin naman pagkakaibigan ang nauuwi sa pag-iibigan. Malay mo! 😉

hahaha... kaya d pa hinugot ang nakabaon na palaso....hehhe... #umaasa

Entered! Good Luck! ^_^