Steemit Philippines Community Contest “Steemit Promotion Through Livelihood Branding” (10-11-2020) 20% Payout to @steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago (edited)
Kumusta mga kababayan? Hangad at dasal ko po ay inyong kaligtasan at kaligayahan kasama ang inyong mga pamilya. Isang maganda at masayang araw na naman ang handog sa atin ng Maykapal. Naway huwag po natin kalimutang magpasalamat sa lahat ng biyaya at pabor na pinagkaloob nya sa atin at sa ating pamilya.

Ngayong araw na ito, ibabahagi ko po sa inyo ang aking entry sa isa na namang masaya at exciting na contest na inihanda sa atin ng admin at moderators ng kumunidad na ito.

Steemit Philippines Community Contest “Steemit Promotion Through Livelihood Branding”(10-11-2020)

Sa panahon ngayon, mga bilihin na lamang ang nagmamahal pero karamihan sa sahod natin ay walang pagbabago. Marami sa atin ang gustong magka extra income at isang magandang paraan ang pagsisimula ng kahit isang maliit na negosyo. Lahat naman po ay nagsisimula sa maliit. Nasa inyo na kung paano ninyo ito palalaguin. Salamat sa Steemit at sa mga taong bumubuo nito dahil nabibigyan tayo ng pagkakataon na kumita. Tiyaga at dedikasyon lang siguradong mayroon tayong mararating.

Ngayon ipinakikila ko sa inyo ang aking special Steem Maja Blanca. Ang Maja Blanca ay isang panghimagas na gawa sa cornstarch, katas ng niyog at asukal. Ang original na Maja Blanca ay walang sweet corn at gatas pero dahil gusto ko itong gawing mas special, maglalagay ako ng mga additional ingredients. Ang pagkain na ito ay perfect para sa birthday, fiesta lalo na sa pasko at bagong taon.

9.jpg

Ngayon malalaman ninyo ang aking paraan sa pagawa ng aking Steem Maja Blanca.

Mga Sangkap:

ProduktoSukat
Nestle Cream250 ml
Cococnut Milk800 ml
Fresh Milk1 liter
Evaporated Milk370 ml
White Sugar1/4 kilo
Cornstarch800 grams
Melted Butter2 tablespoon
Sweet Corn425 grams
Condensed Milk390 grams
Salt1/2 teaspoon

***

Mga Paraan sa Pagluluto:

  • Maglagay ng butter sa kawali at paghaluin ang mga liquid na ingredients maliban sa fresh milk. (Cream, condensed milk, coconut milk, evaporated milk) Ilagay na din ang sweet corn kasama ang tubig nito. Ang butter at ang tubig ng sweet corn na nasa lata ay nakakatulong magbigay ng mas malinamnam na lasa sa inyong Maja Blanca.

2.jpg

  • Siguraduhing katamtaman lamang ang apoy para maisawasan ang pagkasunog ng inyong Maja. Paghaluin at hintayin na kumulo ang lahat ng liquid ingredients.

  • Habang naghihintay na kumulo, sa hiwalay na kaserola o mangkok paghaluin naman ang asukal, asin at ang cornstarch at tunawin ang mga ito gamit lamang ang fresh milk. Ang asin ay nakakatulong para hindi nakakaumay ang inyong Maja Blanca.

***

  • Pagkakulo ng nasa inyong kawali, ihalo na ang natunaw na cornstarch at asukal. Panatilihin lang ang paghahalo hanggang sa ito ay maging malapot.

***

  • Malalaman mo kung pwede na itong isalin sa lalagyanan kung malapot na ito at hindi na basa.

7.jpg

  • Ngayon handa na ang ating Steem Maja Blanca.

1.jpg

Isinalin ko lang ito sa 500 ml na microwaveable tub at ipinagbebenta sa halagang 100 Pesos bawat tub or 5 Steem. Sa lahat ng ingredients na ginamit ko nakagawa ako ng 13 tubs na Steem Maja Blanca. Gumastos ako ng kulang kulang 700 pesos or mga 2 SBD lamang pero kumita ako ng mga 1300 Pesos or 3.75 SBD. Yung pohonan kung 2 SBD tumobo nang mga 1.75 SBD, hindi ba worth it? Dinala ng sister in law ko sa office nila yung 13 tubs at ubos agad hindi pa umabot ng hapon.

Sa mga kaibigan kong steemians na malapit lang sa lugar namin, maari po kayong mag order sa akin. Magcomment lamang po sa post na ito. Within Mactan area lamang po for free delivery kapalit ang inyong 5 Steem.

Inaanyayahan ko ang aking mga kaibigan @jenesa, @kyrie1234 at @mayann na lumahok at magsubmit na ng inyong entry.

Dito lamang po nagtatapos ang post na ito. Salamat sa ating mga moderators at admin for always working hard for us.

About the Author


143.jpg

Greetings! @rye143 works as a Subject Matter Expert in one of the biggest financial institutions in the Philippines. She is a mother of a bubbly and a happy little boy. She enjoys watching anime and loves cooking. Cooking has become her passion and is her stress reliever sometimes. She finds happiness in cooking and she's grateful that she is able to share her passion and skills in this platform while learning from others as well. She would like to extend her appreciation to everyone who works hard for this platform.

***

Achievement 1 Entry

Sort:  
 3 years ago 

parang maganda pagkakamix ng maja mo lai, noong nagluto ako parang sticky kasi

 3 years ago 

Baka naparami mo ang cornstarch. Pag ganyan kasi mas sticky at matigas sya pag malamig na.

 3 years ago (edited)

Contest entry #3

Judge @juichi

Criteria%-Rate
1. Sales and Marketing89%
2. Presentation89%
3. Quality and Creativity89%
4. Overall impact90%
Total89.25

Pa order please!

 3 years ago 

Wow ang sarap ng steem maja blanca mo maam @rye143. Sa pic pa lang naglaway nako hehehe.

 3 years ago 

Sarap ng Maja Blanca!

 3 years ago 

One of my favorite Filipino Dessert!!

 3 years ago 

Ang sarap naman po nyan. 😊

 3 years ago 

Hahahah! Salamat!

 3 years ago 

kalami sa maja,,wa na raba gyud ko ka kaon ani dah

 3 years ago (edited)

Judge: @loloy2020

CriteriaScore(%)
1. Sales and Marketing92%
2. Presentation90%
3. Quality and Creativity93%
4. Overall impact94%
Total92.25%
 3 years ago (edited)

"Bilihin na lamang ang nagmamahal pero karamihan sa sahod natin ay walang pagbabago"

Sad truth!

Tamang tamang ito para sa mga kasamahan mo sa work at pang extra income. I just want to suggest sana you print out stickers para sa mga microwavable containers ng Maja. Para kita talaga yung branding. Thank you for joining.

Total Rating: 93%

 3 years ago 

Yes po. Next time, I will surely include stickers. Thank you!